7: Deal!

15.9K 246 20
                                    

Hi guys! So ayan, nakapag-UD rin! Sa wakas! HAHAHA! Okiii. Happy birthday nga pala kay Kathryn Bernardo. Happy KathNiel day rin! <3

-------------------------------------------------------------------------------------------------

~Travis~

Andito kami ngayon ng tropa ko sa garden ng school. Mamaya pa kasi matatapos ang lunch break kaya dito muna kami tumatambay.

Siniko ako bigla ni Renzo, "Paps, si Lia oh."

Napa-ayos naman ako ng upo, "Ha? Asan?"

Ngumuso si Deon, sinuundan ko naman kung saang direksyon yun naka-turo.

Ayun oh! Papunta si Lia dito, ganda lang eh!

"Ayos mukha Treb, papunta dito si Lia mylabs mo." Bulong sa akin ni Kurt.

Pasimple kong inayos buhok ko, umayos na rin ako ng upo at hinintay na maka-rating dito si Lia.

"Hi guys!" Naka-ngiting bati niya sa amin.

"Hi Lia!" Naka-ngiti rin naming bati.

"Treb-treb, tayo ka muna. Dali muna dito."

Sinikmuraan ko si Renzo. Nagpipigil kasi sila ng tawa eh, narinig na naman kasi nila ang Treb-treb. Nababadingan daw kasi sila. Tss. Ang cute kaya nun, si Lia kasi gumawa nun eh. Ay! Kung nagtatanong kayo kung bakit si Renzo lang sinikmuraan ko kung lahat naman sila eh nagpipigil ng tawa, siya kasi ang pinakamalapit sa akin eh. Hehe.

Tumayo ako at lumapit kay Lia. "Ano yun?" Naka-ngiting tanong ko.

Ngumiti lang naman siya at bigla akong niyakap. Nagulat ako, syempre. Nakita ko pa nga yung apat na lumaki yung mga mata eh pero ngumiti rin. Ang lalapad pa nga. Hahaha!

Ayaw ko naman maging rude kaya niyakap ko rin siya pabalik. Tsaka si Lia na 'to 'no! You should grab the chance while you have it. Ayan, napapa-english pa tuloy ako.

"Travis, salamat." Sabi ni Lia at mas hinigpitan niya ang yakap niya.

"Para san?" Tanong ko na di pa rin naghihiwalay sa yakap.

"Para sa pagbantay sa kambal ko. Mahal na mahal ko si Mia kaya laking pasasalamat ko sa iyo kasi inalagan mo siya. Salamat." Sagot niya naman, di pa rin siya humihiwalay sa yakap.

"Sus! Wala yun. Ano ka ba." Sagot ko. Lumingon ako kela Alex at nagthumbs up. Ayun, natuwa yung mga gago at pumalakpak pa. Di ko alam kung bakit pero napa-tingin ako sa entrance ng garden, nakita ko dun si Mia na naka-tayo at naka-crossarms. Ngumiti at nagthumbs up ako sa kanya pero umirap lang siya at umalis na. Problema nun?

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon