34: I don't...

11.1K 233 48
                                    

~Travis~

 

One week. One week na niya akong iniiwasan. One week na rin akong nagugulohan… at nasasaktan.

Andito ako ngayon sa sala ng bahay namin. Tulala. Nagugulohan. Nasasaktan. Ina lang. Ang drama.

“Travis.”

Tinignan ko si ate at tinaasan ng kilay. “Hmm?”

 

“Masakit?” Tanong ni ate.

“Ang alin?” Takang tanong ko.

“Yang puso mo.”

“Puso ko?”

“Wala. Sabi ko ang tanga mo.” Sabay irap niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ate Yars. Di  ko na alam ang gagawin ko.”

Binatukan niya ako. “San mo ba namana yang katangahan mo ha, bro?”

 

“Tss. Pati ba naman ikaw ate? Dapat ang ginagawa mo kino-comfort ako.” Patampong sabi ko sa kanya.

“Eh anong gusto mong gawin ko? Sabihin ko sayong ‘okay lang yan’ kahit di naman talaga? Pumili ka nga, masayang kasinungalingan o mapait na katotohanan?”

Inirapan ko si ate (yung panglalakeng irap). “Dami mong alam ate. Manahimik ka nga.”

Sinipa ni ate yung braso ko. Nakahiga kasi siya sa sofa tapos ako nakaupo lang. “Walang galang! Dun ka na nga sa kwarto mo! Ayus-ayusin mo yang utak mo. Che!” Pagtataboy niya sa akin tapos sinipa-sipa pa ako. Tumayo na lang ako at sinamaan siya ng tingin bago pumunta sa kwarto.

***

 

“Treb! May bisita ka!” Sigaw ni ate sa labas ng kwarto ko.

“Kung yung apat yan sabihin mo wala ako sa mood makita mga pagmumukha nila!”

“Gago. Hindi! Si Lia andito. Ano, lalabas ka o siya ang papasok dyan sa loob?”

 

“Tss. Eto na, lalabas na!” Walang ganang sagot ko. Bumangon na ako at lumabas na ng kwarto.

“Si Lia?” Tanong ko kay ate pagkababa ko. Wala kasi si Lia sa sala.

“Nandun sa garden.” Sagot niya. Tumango lang ako at pumunta sa garden.

“Hey Treb.” Bati ni Lia.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now