20: Masakit

13.3K 220 36
                                    

~Travis~

Ayown! Tumingin ako sa salamin at nakakita ako ng gwapo. Pogi ko talaga! Bumaba na ako at nakita ko si ate Yars na  nagbabasa ng magazine sa sala.

Tumayo ako sa harap niya at nagposing, "Gwapo na ba ate?" Tanong ko na nakapogi pose.

Binaba niya magazine niya at tinignan ako, "San punta? Part-time job?" Takang tanong niya.

Kumunot yung noo ko, "Anong part-time job? ATE! Date namin ni Lia ngayon."  Sagot ko.

"Ahh! Sorry bebe. Hihi. Para kasing magtatrabaho ka sa suot mo." 

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin namin, "Ha? Bakit ate? Anong meron sa suot ko?" Tanong ko habang inaayos ulit sarili ko.

"A-ah wala naman. Okay na. Sige na, shoo ka na. Pogi ka na bebe. Byeee~!" Sagot ni ate.

"Ate, sabing wag mo na akong tawaging bebe, kadiri lang. Sige na, bye!" Paalam ko at lumabas na ng bahay.

Hoo!  Susunduin ko ngayon si Lia kasi ngayon yung date namin. Sana yung date namin ni Lia parang yung gala lang namin ni Mi my besprend kahapon, yung chill lang. Aja! Kaya ko 'to.

Andito na ako sa harap ng bahay nila Lia kaya tinext ko na siya.

To: Lia ng buhay ko ♥

Li! Andito na ako sa labas. =)

Maya-maya din, nagreply na siya.

From: Lia ng buhay ko ♥

Oy Tang, pasok ka daw muna, nagaayos pa si Lia. -M.

Di pa pala tapos si Lia. Nagpapaganda pa ba siya? Di naman kelanga eh! Ang ganda na kaya niya. Hahaha! Pumasok na ako kasi nga yun yung sabi ni Mia.

"Oh, hi Travis! Sinong sinusundo mo ngayon? Si Lia o si Mia?" Bungad sa akin ni ate Clang, yung kasambahay nila.

"Si Lia po." Sagot ko ng nakangiti.

Ngumiti naman siya, "Ahh. Sige, umupo ka muna dyan ha. Nagbibihs pa kasi si Lia." Sabi naman niya.

"Sige po." At umupo na ako.

Maya-maya din lumabas ng kwarto niya si Tito Ric. Nung nakita niya ako, nginitian niya ako. Syempre 'no! Kilala na ako dito. Nuxx.

"Oh Travis, san punta? Part-time job?" Tanong niya. Parehas sila ng tinanong ni ate. Bakit ganun?

"Po? Di po. Susunduin ko po si Lia, date po namin ngayon." Sagot ko.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now