29: Sakit

10.9K 179 16
                                    

~Mia~

 

Nakahiga lang ako dito sa kwarto ko. Kanina pa ako gising, pero di pa ako bumabangon. Tinignan ko yung wall clock ko.

1: 32.

Bumuntong-hininga ako. Ang boring.

*BLAG!*

 

Umupo ako at tinaasan ng kilay yung pumasok ng kwarto ko. “Ginagawa mo dito?” Tanong ko sa mahal kong kambal na si Lia. Don’t forget to mark the sarcasm. Pffsh.

“Mia, can you please do me a favor?” Tanong niya na parang kabadong-kabado.

Inirapan ko siya at humiga ulit. “Ayoko.”

“Please Mia. I really need your help.” Pagmamakaawa niya.

Pumikit ako at tinabunan ng unan ang mukha ko. “Ah ganun ba? Sensya na Lia ha, wala ako sa mood magpakabait ngayon eh.” Sagot ko sa tonong alam kong maiinis siya.

Nagulat ako nung bigla niyang tinanggal yung unan sa mukha ko at tinapon ito sa tyan ko.

 

“Aray!” Sigaw ko. Ansakit kaya nun.

“Will you stop being a bitch?!” Halos pasigaw na sabi niya. Di pwede sumigaw, baka marinig siya nila Mommy, baka masira yung good girl image niya. Pfft.

“Oh look who’s talking.” Sarkastiko kong sagot sabay smirk.

“Argh! May sakit si Travis!”

“ANO?! Si Travis may sakit?!” Gulat na tanong ko.

“Duh. That’s what I said, right?” Umirap siya at pumamewang.

Pinangkitan ko siya ng mata. Nakikita ko yung sarili ko sa kanya, kambal ko nga talaga siya. Aish, di yan importante ngayon.

“Oh, so? Bakit mo yan sinasabi sa akin?” Nakapoker face na tanong ko. Dapat nakapoker face lang ako, di pwedeng mahalata ni Lia na nagaalala ako.

“Uh.. Because you’re his best friend? And start acting like one?” Sarkastikong sagot niya. “Tsaka pwede ba? Wag mo nang i-tago yang nararamdaman mo para kay Travis, halata ka na eh. Pffsh.” Umirap siya. “Kaya tumayo ka na dyan at pumunta dun kila Treb.” Hinila niya ako patayo.

Binawi ko kaagad ang kamay ko at tinaasan siya ng kilay. “Eh ba’t di ikaw ang pumunta? Tulad ng sabi mo, BEST FRIEND lang ako. Ikaw ang soon-to-be-girlfriend niya kaya dapat ikaw ang pumunta dun.”

 

Sa sobrang inis niya kumuha siya unan at tinapon ito sa mukha ko.

“HOY! Ba’t ka ba namimisikal?!”

 

“Wag ka ngang isip bata Mi! Di ko siya pwedeng puntahan ngayon kasi pupunta akong school, may iba akong gagawin.” Naiinis na sagot niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “May iba kang gagawin? Lia, may sakit si Travis tapos uunahin mo yang kung ano mang gagawin mo sa school?” Naiinis na tanong ko. Dapat nga magpanic siya ngayon eh, kala ko ba may gusto siya kay Tang?

“Importante yung gagawin ko Mi. Please understand.”

“So mas importante yan kesa kay Travis? LIA MAY SAKIT SI TRAVIS! Tapos uunahin mo yan?!” Wala na, sumigaw na ako. Di ko na mapigilan eh.

“OO! Kelangan ko ‘to unahin, importante ‘to para sa akin, kelangan ko ‘to gawin para makuha ko yung scholarship for college. Kaya please Mi, alagaan mo si Treb-treb para sa akin.” Pagmamakaawa niya.

Tinignan ko siya na para bang nandidiri ako sa kanya. “Mas importante pa yang pesteng scholarship na yan para kay Travis? Alam mo kung ano ka Li? Ang selfish mo.” Sinamaan ko siya ng tingin at dali-daling umalis ng kwarto. Umalis ako ng bahay na walang paalam at tumakbo papunta kila Treb.

----------------------------------------------------------------------- 

Hi guys! Bitin ba? Ayos lang yan, mag-a-update naman ulit ako mamaya. Hahaha! Ang sipag ko mag-update ‘no? Tapos na kasi ang story sa isip ko kaya nung walang net, sa MS word ko tinype yung mga chapters para pag bumalik na yung net, copy-paste na lang gagawin ko. Tsaka pambawi na rin kasi ang tagal ko di nakapag-UD. :)

Keh, mamaya ulit. xx

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon