27: I really really really like you

11.5K 228 66
                                    

Short UD. Love ko yung mga nagbabasa ng A:N sa huli. :)

---------------------------------------------------------------------------------

~Mia~

"Psst. Hoy Trabis." Tawag ko sa kanya. 

"Bakit?"

"May naisip na akong plano para kay Lia." Oo, kahit na medyo nasasaktan.. FINE! Kahit na nasasaktan ako—sa di malamang dahilan—sa tuwing tinutulungan ko si Treb kay Lia eh itutuloy ko pa rin yung deal namin. Mahal ko kambal ko, at nakikita ko na masaya siya kay Tang kaya kahit na may part sa akin na ayaw nang ituloy yung deal eh itutuloy ko pa rin.

"Ah," Biglang nagbago ang expression ni Treb, parang nawalan ng gana. "Labas muna ako saglit. May bibilhin lang." Tumayo na siya at lumabas ng room. Di man lang ako tinanong kung ano yung plano ko. Problema nun?

"Tutulungan mo pa rin siya?" 

"Ay nilalang na kulot!" Si Kurt kasi, bigla na lang sumulpot sa kung saan.

Umupo siya sa upuan ni Treb. "Alam kong kulot ako, di mo na kelangan ipagdiinan." Pabiro siyang umirap kaya tumawa kami. "Oh, seryoso na. Tutulungan mo pa rin siya?" 

"Oo. Bakit? Masama ba?" 

"Di naman. Pero kahit na nasasaktan ka na, tutulungan mo pa rin siya?"

Nagbuntong-hininga muna ako bago ko siya sinagot. "Oo, kahit na masakit."

"Masakit? Panong sakit?"

"Ewan. Basta ang alam ko masaya ako kasi kasama ko siya. Pero nasasaktan ako kasi alam kong hindi ako ang nasa isip niya." 

Tumango-tango siya. "Naamin mo na ba sa sarili mo na gusto mo siya?"

Umiwas ako ng tingin kay Kurt. "Ewan. Nagugulohan pa ako."

"Bakit? Di naman masama magustohan si Travis ah." 

Tinignan ko si Kurt. "Umamin ka nga, bakla ka ba?" Pinangkitan ko siya ng mata.

 "HA?! Sa gwapo kong 'to? Bakla?! Tsk. Kalokohan yan Prinsesa Mia."

"Prinsesa Mia? Ang corny mo Kulot."

"Pinapatawa ka lang eh. Mukha ka kasing problemado."

"Sus! Kahit mukha akong problemado, maganda pa rin ako."

Ako si Mia.Where stories live. Discover now