6: Nang dahil sa isaw (Part 2)

15.6K 257 22
                                    

Hi guys! Sorry kung natagalan ng UD ha? Clearance week kasi eh. Pero okay na ngayon kasi tapos na ang klase. So, di na ako busy! Hehehe. :))))

Btw, chapter 6 po itey pero part 2 po siya ng 'Nang dahil sa isaw', oki? =)

Yun lang, enjoy! ;)

-------------------------------------------------------------------------------------------------

~Mia~

Pauwi na ako ngayon sa bahay ko, galing ako sa bahay nila Travis. Tulog pa nga sila pagkaalis ko eh kaya nagiwan na lang ako ng letter, wala kasi akong number nila kaya yun na lang yung ginawa ko.

Andito na ako sa tapat ng bahay, kaya malamang lamang pumasok na ako. Alangan namang tumambay lang ako dun?

"San ka galing?"

Napa-irap ako. Hay jusko, eto na naman ho tayo.

"Sa labas po." Sarkastikong sagot ko kay Daddy.

"Ngayon ka lang nga naka-uwi, ganyan ka pa sumagot?" Sagot naman ni Daddy.

Umirap ulit ako, "Galing po ako sa bahay nila Travis."

Nakita ko na nagulat sila Mommy at Lia na naka-upo dun sa sofa. Si Daddy naman, kalmado pa rin ang mukha pero halatang galit na.

"Galing ka sa bahay ng lalake kaya ka in-umaga ka nang uwi?" Tanong ni Daddy.

"Paulit-ulit Dad? Kakasabi nga lang diba? Tss." Pabalang na sagot ko.

"Ano na naman ba yan Mia? Di ka pa ba nakuntento sa pagiging maldita? Ngayon, malandi ka na rin? Anong sunod?! HA?!" Halata sa boses ni Daddy na galit na galit na siya.

Napa-tiim-bagang ako dun sa sinabi ni Daddy. "MALANDI?! Dad! Yan ba ang tingin mo sa akin?! MALANDI?! Dad, kumain po kasi ako ng isaw kagabi kaya nagkasakit po ako, nakita po ako ni Travis. Nung i-uuwi na po sana niya ako dito, di po kami maka-pasok kasi naiwan sa loob yung susi kaya wala siyang ibang choice kundi i-uwi ako sa kanila para alagaan ako! Oh, kasalanan ko na naman diba? Ang tanga ko kasi! Di lang tanga, MALANDI pa!" Sagot ko kay Daddy, di ko na mapigilan eh.

"Mia..."

Tinignan ko si Mommy, kita ko na umiiyak na siya. Pati na rin si Lia.

Binalik ko tingin ko kay Daddy, bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Oh, Dad, gulat ka? Tss. Sana kasi Dad, ang sinabi mo na lang 'Oh Mia, san ka galing?' o di kaya 'Mia, may nangyare bang masama sayo?', pwede ring 'Mia, pinagalala mo kami!'. Dad, bakit di mo yan kaya sabihin sa akin? Bakit? Dahil ako si Mia? Si Mia na kahit kelan ay walang ginawang maganda. Si Mia na maldita na nga, naging malandi pa! Ganun ba, ha, Dad?"

Ako si Mia.Kde žijí příběhy. Začni objevovat