10: Group 6

15.5K 277 48
                                    

Hi Ms. Permy! Dedicated 'to sayo kasi pinaiyak mo ako ng bongga sa Limited Forever. Pero natuwa naman ako ng bongga sa How I met Maria Clara. Hope you appreciate this one. Loveyou. Mwa! ♥

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

~Mia~

"Ok class, ngayon ay gagawa tayo ng group work." Nakangiting pahayag ni Ma'am Lani sa harap.

"YES!"

"Uh-huh uh-huh!"

"Oy! Gru―"


"Mag-ka-count off tayo kaya di kayo ang pipili kung sinong kagrupo niyo. Maliwanag?" Putol ni Ma'am dun sa mga kaklase ko. Huh. Mga excited kasi.

"Sinong class monitor sa inyo?" Tanong ni Ma'am.

"Si Maida po Ma'am!" Sagot nung kaklase ko.

Tumango si Ma'am, "Maida, ilan kayo sa klase niyo ngayon?" Tanong niya.

"36 po Ma'am." Sagot ni Maida.

Tumango ulit si Ma'am, "Ok, since 36 kayo ngayon, bibilang kayo ng hanggang 6. Magkakaroon tayo ng 6 na grupo at sa isang grupo ay may 6 na miyembro. Kuha niyo?" Pagexplain ni Ma'am.

 Tumango naman yung mga kaklase ko.

"Good. So, lets start." Nakangiting sabi ni Ma'am.

*Tok! Tok! Tok!*

Binuksan yun ng kaklase ko na malapit sa pintuan at kinausap yung tao sa labas. "Ma'am, nasa labas po si Ma'am Ana, hinahanap ka." Sabi nito kay Ma'am.

Tumango naman si Ma'am, "Class, I'll be back in a bit. May aasikasuhin lang." Sabi niya sa amin at lumabas na.

Nakita ko na nagkatinginan yung lima, kilala niyo naman na siguro kung sino tinutukoy ko. Maya-maya lang tumayo sila at pumunta sa gilid ng room, tinuturo-turo nila yung iba naming kaklase yung para bang nagbibilang sila. Yung tapos na sila sa pagbibilang, naghiwalay na sila at may kanya-kanya silang pinuntahan na kaklase. Okay, ano meron? Eh, bahala na sila.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ma'am, "Class, start na tayo. Ms. Perez, start." Sabi ni Ma'am.

"One!"

"Two!"

"Three!"

"Four!"

"Five!"

"Six!"

Natapos na ang count off, sa group 6 ako nabibilang. Di ko alam kung sino yung mga kagrupo ko, di naman kasi ako nakinig sa count off. Alam ko lang na 6 ako kasi yung pinakalast.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now