13: By pair

14.1K 254 63
                                    

~Travis~

"Mia, bored ka?" Tanong ko sa katabi ko.

"Duh. Kelan pa ba naging enjoy ang klase?" Balik na tanong niya.

Tumango-tango ako, "Tama nga na"

Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang niya tinaas kamay niya, "Tumahimik ka nga. Ang daldal mo. Daig mo pa ang babae." Sabi niya at umirap.

Hinayaan ko na lang siya at nakinig kay Sir. Ah! Okay na nga pala kami ni Mia, 3 days na ang nakalipas since nung pumunta sila ng bahay ko. Sa mga nagtatanong kung ano nangyare, eto po ang nangyare...

*flashback*

 

"Mia, umamin ka... nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya.

 

Nanlaki yung mata niya at lumapit siya sa akin. Hinihintay ko yung sagot niya pero biglang...

 

*BOOGSH!*

 

Nanlaki yung mata ko sa gulat at hinawakan yung kanang pisnge ko. Napatayo rin yung apat sa nangyare.

 

"Mia! Bakit mo ako sinuntok?!" Gulat na tanong ko habang nasa kanang pisnge ko pa rin yung kamay ko. Di naman dumugo pero masakit pa rin.

 

"Eh gago ka kasi! Ako?! Magseselos? ASA! Eh wala nga akong gusto sayo!" Sigaw niya.

 

"Tinatanong lang naman kita tas ganyan ka na kaagad makapagreact."

 

Naningkit yung mata niya, susuntukin na sana niya ako pero pinigilan na siya ni Kurt at Dee.

 

"Tama na Mia." Pigil sa kanya ni Dee.

 

Nagpupumiglas si Mia kaya nabitawan siya. "Gago! Di ako nagseselos! Feeling." Sigaw niya at tinignan ako ng masama.

 

Biglang lumabas si Ate Yars sa kusina at nagulat sa nakita niya, "Bakit kayo nagsisigawan? Tsaka bakit may pasa ka? Oh Mia, di ata maipinta mukha mo?" 

 

Di namin sinagot ni Ate at nagtinginan lang kami ng masama.

 

"Mia, sinuntok mo si Travis?" Di makapaniwalang tanong ni Ate. Nagets na siguro niya.

 

Di sumagot si Mia pero nakatingin pa rin siya sa akin.

 

Pinitik ako sa noo ni Ate na ikinagulat ko, "Buti nga sayo! Huh." Tinignan niya sa Mia, "Dapat nilaksan mo pa Mi. Di pa sapat yun eh." Sabi niya kay Mia kaya nagulat ito. "Babalik na ako sa kusina. Ayusin niyo ang dapat ayusin." At umalis na siya.

Ako si Mia.Onde as histórias ganham vida. Descobre agora