19: Bespren!

13.6K 238 51
                                    

~Mia~

"Mi, may tatanungin ako, gusto ko ng seryoso at totoong sagot."

"Ano yun?"

"Nahuhulog ka na ba kay Travis?"

"A-ahh... H-ha?"

"Kalimutan mo na yun. Wag mo na lang sagutin kung nagugulohan ka pa. Basta ito lang tandaan mo, andito lang ako... Kami. Ikaw nga kasi ang prinsesa namin di ba?"

"Mia!"

Nabalik ako sa realidad nung tinawag ako ni Treb. "Ah, ano?"

"Kanina ka pa lutang eh. May problema ba?" Nag-aalala niyang tanong.

"Wala, may naalala lang. Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong ko. Andito kami sa park ngayon, talagang pinuntahan niya ako sa bahay kasi may sasabihin daw siya sa akin at kelangan sa park daw kami magusap. Wala naman akong magawa sa bahay kaya sumama na lang ako.

"Ahh... Pwede ba ako makipagdate?"

Nanlaki mata ko at feeling ko nanigas ang katawan ko. Sa a-akin? A-akala ko ba si... si L-lia gusto niya?

"Oh, itsura mo? Teka teka, wag mong sabihing... HAHAHAHAHA! Wag mong sabihing akala mo ikaw yayayain ko. Si Lia 'no. HAHAHAHA! Ay actually nayaya ko na siya pero alam mo na, nagpapaalam lang kung pwede bang makipadate sa kambal mo. Pero mamaya na kwento, patawa muna. HAHAHA!"

Feeling ko namula ako sa sobrang hiya. Bakit mo ba kasi yun inisip Mia?!  Pahiya ka tuloy! Argh. Badtrip. Pamura, one time lang... Puta. Ge, salamat.

"HAHAHAHA! Pulang-pula ka oh. Hahahaha! Ang cute mo Mi." Pang-aasar niya at sinundot-sundot pa pisnge ko.

Pinalo ko kamay niya, "Leche ka. Ina mo. Badtrip!" 

Tumigil naman siya sa pagtawa at ngumiti na lang, "Eto, seryoso masyado. Natawa lang naman ako eh, pula kasi ng mukha mo." Ngiting-ngiti niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin, "Isa pa, mumurahin na talaga kita." Banta ko sa kanya.

"Imbes na mura gawin mo, lambingin mo na lang ako! Matutuwa pa ako." 

Sinamaan ko siya ng tingin, "Eh ikaw lang yung matutuwa, di ako." 

"Tulad nga ng sabi mo, life's unfair." Sabay wink niya.

Ako si Mia.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang