~Lex~
Comin' out of my cage
And I've been doin' just fine
Gotta gotta be down
Because I want it all
Napa-balikwas ako sa kama at hinanap yung cellphone ko. Ayun!Calling:
Renzo mukhang gago
Napa-tawag 'to? Sinagot ko naman at humiga ulit.
"Oh?" Sagot ko.
["TOL! May naiisip akong plano."]
"Ano?"
["Bukas na role play natin di ba?"]
"Oo, bukas na nga. Bakit?"
["May naiisip akong plano."]
"OO NGA! Paulit-ulit? Ano nga kasi plano mo? Nakanaman Renzo oh!"
["Init ng ulo mo? Tapunan kita dyan eh!"]
"Sa layo kong 'to? Sige nga!"
["Manahimik ka nga! Eto na, sasabihin ko na plano ko."]
"Sa ating dalawa lang 'to?"
["Ay nakalimutan ko. Saglit, isasali ko si Dee at Kurt."]
"K."
["OY! Yaman sa load ah! Nagpaconference pa. Libre naman dyan dre!"]
Ayan. Narinig ko na boses ni Kurt. Ingay talaga.
["ANO MERON? ANO MERON? ANO MERON?!"]
Oh ayan na, kilala niyo na kung sino yan.
"ANG IINGAY NIYO! IGNORANTE SA CONFERENCE?!" Sigaw ko. Ingay eh.
["Nahiya naman kami sayo! Tahimik mo eh. Di ka nga nasigaw oh."] Renzo.
["Ang init ng ulo ni Lex 'no? Daig pa ang babaeng may dalaw."] Dee.