15: Group date

14.2K 249 39
                                    

~Travis~

Ang bilis lang ng pahon, mag-tu-two months na rin pala ako tinutulungan ni Mia. Ngayon, may group date kami na obviously, plano ni Mia. Tinanong ko siya kung bakit group date, sabi niya dapat dahan-dahanin daw. Eh, fair enough. Andito nga pala kami ng tropa sa sala, bigla nga lang sila dumating eh. Wala naman na yun sa akin kasi sanay na rin ako.


"Ano na, may date na ba kayo?" Tanong ni Lex.

"Naman!" Sabay na sagot nila Dee, Ren, at Kurt.

"Sino date mo Dee?" Tanong ko.

Ngumiti siya, "Si Sophie, yung taga-4A. Kaklase yun ni Lia." Sagot niya.

Napa-ahh naman kaming lahat. "Eh ikaw Lex, sino date mo?" Tanong ni Ren.

"Si Landra ng class 4C." Sagot niya, "Eh ikaw Ren, sino date mo?" Tanong niya.

"Si Arni ng 4C." Tumingin siya kay Kurt, "Ikaw Kurt, sino date mo?" Tanong niya.

Ngumisi si Kurt, "Walang iba kundi si..." Pambibitin niya.

Binatukan ko nga, "Pabitin pa eh! Sino?" 


"Walang iba kundi si Mia!" Sagot niya nang nakangiti.

Nanlaki yung mata nung tatlo pero ngumiti rin. "Ayos!" "Ayon naman!" "Astig dre!" Comment nila.


"Tss. Asa namang sasama yun 'no."


Tumingin sa akin si Kurt, "Aba dapat lang! Kasi kung hinde, kawawa ka." 


Kumunot yung noo ko dun, "Bakit ako naman ang kawawa?" Takang tanong ko.


"Eh kasi sasama lang naman si Lia pag sasama si Mia." Nakangising sagot niya.


 Napakamot ako ng ulo. "Umuwi na nga kayo! May bahay kayo pero dito kayo tumatambay. Uwi na! Para makapagayos na kayo. Susunduin niyo pa mga date niyo." Sabay tulak sa kanila palabas ng bahay. 

"Ge, bye Treb!" "Kita na lang mamaya." "Oy, walang malelate ha?" Pamamaalam nung tatlo.

Tinignan ko si Kurt, "Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko kay Kurt.

Umupo ulit siya sa sofa, "Di na, eh kambal naman yung dates natin di sabay na lang natin sila sunduin." 

Ako si Mia.Where stories live. Discover now