5: Nang dahil sa isaw

18.2K 300 23
                                    

~Mia~

"Langya talaga 'to si Tito, inubos talaga yung kanin."  Reklamo ko nung sinilip ko yung rice cooker.

Mag-isa lang ako ngayon sa bahay. As in ako lang talaga. May kanya-kanya silang mga lakad, kaya ko lang yan nalaman dahil sa mga letter na dinikit nila sa ref. Gusto niyo mabasa? Oh, eto oh:

Mia, 

 Yo Twin! Alam kong nag promise ako sayo na mag momovie marathon tayo ngayon pero kelangan ko talaga pumunta sa bahay nila Trish eh, gagawa kami ng project, dun na rin ako matutulog. Sorry ha? Love you. xx    -Lia

                                                                                                                                                                                                                

Oh, halata naman siguro kung kanino galing yan. Eto oh, isa pa:

M,

  Mia! Hehe. Makiki-uso ako sa kanila, gagawa rin akong letter. Ikaw na bahala sa bahay ha? Kaya mo na yan, ganda mo eh! Haha. Mag rereunion muna kami ng tropa ko. Wag kang mag alala, may pasalubong ako pag balik. Ayos ba? Ay nga pala M! Luto ka na lang ulit ng kanin, naubos ko eh. Haha, ge.   -Gwapo mong tito                                                                       

Hangin ng tito ko 'no? Naman talaga. Haha. Oh eto, last na:

Mia,

  Anak, iiwan ko muna sayo ang bahay ha? May pupuntahan kasi kami ng daddy mo, gagabihin kami ng uwi.  May kanya-kanyang lakad pati ang tito at kambal mo. Si Ate Clang mo, pina-uwi ko muna kasi nagkasakit daw ang mama niya. May iniwan akong ulam dyan, painitin mo na lang. Nag iwan na rin ako ng pera para sa lunch at dinner mo, ikaw na bahala mag order. Ingat.     -Mommy

                                           

Dami pang paek-ek eh. Pwede namang i-text na lang. Suuus. Maka-luto na nga lang ng kanin! Oy wag kayo, marunong ako mag luto 'no. Pero kanin nga lang. Hehe, sorry naman. Gagaling niyo mag-luto eh! Che.

Pagkatapos kong magluto, kumain na agad ako tapos hinugasan ko na yung pinagkainan ko tapos diretso sa sofa tapos in-on ko yung TV. Ano ba yan?! Ang daming tapos. Haha.

Lipat. Nuod sandali. Lipat ulit. Nuod sandali. Lipat ulit. Nuod sandali. Lipat ulit. Nuod sandali. 

"ANG BORING! PUTEK!" Sigaw ko. Ang boring naman kasi talaga eh. Ano bang pwede gawin?

Tinignan ko yung wall clock, ala-una pa lang. Mag ske-skateboard na nga lang muna ako. Tumayo na ako sa sofa at in-off yung tv, kinuha ko na yung skateboard ko 'tas didiretso na ako ng park.

Nung lalabas na sana ako ng bahay bigla nagbago isip ko. Mainit pa, mamaya  na lang. Maliligo na lang muna ako, wala pa akong ligo eh. Hihi.

"HETO AKO OH! BASANG-BASA SA ULAAAAAN! WALANG MASISILUNGAAAAAAAAAAN! WALANG MALALAPITAAAAAAN! SANA MAY LUHA PA AKONG MA-I-ILUHA! WOOOOH!" Kanta ko habang nagsho-shower. Feel na feel lang eh 'no? Wala kasi ibang tao eh.

Ako si Mia.حيث تعيش القصص. اكتشف الآن