23: Bakit?

12.4K 215 22
                                    

~Travis~

Nandito kami ngayon sa Pavillion ng school, patambay-tambay lang. Bago lang kami dinismiss kaya patambay-tambay lang muna, wala pa kaming plano umuwi.

"Sino kukuha ng card niyo?" Tanong ni Lex. 2nd card-giving na kasi sa Friday.

"Si Ate Yars malamang." Sagot ko. Nasa abroad sila mama kaya malamang, si ate ang kukuha ng card ko.

"Si Mama ata." Dee.

"Mama rin." Ren.

"Sa akin si Papa." Kurt.

"Ah sa'kin si Tita. Sayo Mi?" Lex.

"Malamang si Daddy or si Mommy. Nasa dalawa." 

Nag-u-usap-usap lang kami dun nang may narinig kaming bulungan sa side namin.

"Siya si Mia di ba?" Bulong nung isang babae sa kasama niya.

Nakita namin na tumaas yung isang kilay ni Mia pero hinayaan niya lang yung babae.

"Oo, siya yun. Si Mia Villalor, ang kabaligtaran ni Lia." Pabulong na sagot nung isa.

Napatingin kami kay Mia, ganun pa rin yung mukha niya, naka-taas lang yung isang kilay at hinihintay yung sunod pang sasabihin nung mga babae.

"Ahh. Well, tama nga sila, kabaligtaran nga siya ni Lia. Look at her oh, ang landi lang. Puros lalake yung kasama. If I know, tinakot niya lang yang mga yan para sumama sa kanya."

"I know right? Loner kasi siya." 

Makasalita 'tong mga 'to. Tatayo na sana kami nila Kurt para lapitan yung mga babae pero pinigilan kami ni Mia.

"Ako nang bahala." Pagpipigil niya sa aming lima at lumapit na dun sa dalawang babae.

"Hey girls." Sarkastiong bati niya sa dalawa. 

Halatang yung gulat at takot dun sa mukha ng mga babae. "H-hi Mia. Ma-may kelangan ka?" Pagpapatay-malisya nung isa.

"Ah wala naman. Mukha kasing enjoy na enjoy kayo sa paguusap eh, pwede ba akong sumali?" Sarkastiko siyang ngumiti sa mga babae kaya mas natakot sila.

"A-a-ahh. I-ikaw ba-bahala." Pautal-utal na sagot nung babae chubby.

Umupo naman sa tabi nila si Mia. "Enjoy ba ako pagusapan?" Nakangiting tanong niya.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now