21: Prinsesa

13.1K 267 88
                                    

~Mia~

"Mia oh, tissue." Sabay abot sa akin ni Ren ng tissue.

Kinuha yun ni Kurt at nilagay sa tabi, "Ulol. Tissue? Eh hindi naman umiiyak si Mia." Sabi niya.

"Mas maganda na yung ready 'no." Sagot naman ni Ren.

"Tumigil nga kayo. Kita niyong di okay si Mia tapos ang ingay-ingay niyo." Dee.

"Yun nga yung point Dee eh. Di okay si Mia. Tinatry lang naming i-cheer up siya. " Sagot ni Ren.

Nagkatinginan sila at sabay-sabay na nag buntong-hininga.

Andito nga pala kami sa kwarto ni Kurt. Naka-upo ako sa kama tapos nasa tabi ko naman si Kurt, yung tatlo naman sa sahig lang naka-upo. Nung tinawagan ko kasi si Kurt at sinabi ko yung salitang 'masakit', binababa niya ito kaagad at pagkalipas ng sampung minuto eh andun na agad siya sa labas ng bahay. Pawis na pawis siya at hingal na hingal. Nung lumabas ako para puntahan siya bigla na lang ako hinila at dinala dito. So yun, malinaw naman na siguro.

"So.. Mi, naamin mo na ba?" Tanong ni Ren.

"Amin ang alin?"

"Na.. na may... na may gusto ka kay Treb." Sagot niya.

Napatingin ako sa kanya, "Bakit ko naman aaminin ang isang bagay na di naman totoo?"

"Ahh. Kaya pala. Kaya ka pala nasasaktan ngayon kasi di mo siya gusto. Ahh. Okay." Sarkastiko niyang sagot at tumango-tango pa.

"Bakit ba ayaw mong aminin na gusto mo na siya Mi? Wala namang mawawala kung aaminin mo di ba, kahit sa sarili mo man lang." Si Lex.

"Mia, may gusto ka ba kay Travis?!" Ngayon, si Dee na naman. Di ba nila ako titigilan?

Umiwas ako ng tingin, "B-bakit niyo ba yan t-tinanatanong?"

"SAGUTIN MO NA LANG KASI! MAY GUSTO KA BA KAY TREB?!" Sabay na sigaw nung tatlo.

Sasagutin ko na sana sila pero biglang...

"TAMA NA! WAG NIYO SIYANG PILITIN KUNG HINDI NIYA PA KAYA SAGUTIN YANG MGA TANONG NIYO." Sigaw ni Kurt kaya biglang tumahimik. Pero maya-maya din nagsalita na si Dee...

"Di pa niya kaya? O talagang ayaw mo lang marinig?" Tanong niya na halatang nang-aasar.

"Marinig ang alin?" Takang tanong ko.

"Di mo ba nararamdaman?" Tanong ni Ren.

"Ang alin?"

Ako si Mia.Where stories live. Discover now