26: Sanctuary

12.5K 255 63
                                    

~Mia~

"WOOOAH."

Yan kaagad ang lumabas ng bibig ko nung inalis na ni Tang yung kamay niya sa mata ko.

Tumabi sa akin si Tang at ngumiti, "Ganda 'no?"

"Sobra! Nakakainsecure. Dinaig pa ang ganda ko!" Pabiro at manghang-mangha kong sagot.

"Hahaha! Wala namang mas...sdfghjkl." 

Napatingin ako kay Tang, "Ano yun? Di ko narinig. Ulitin mo nga." Utos ko. Binulong na kasi niya yung last part kaya di ko na narinig.

"Wala! Wag mo na yun intindihin. Tara, dun tayo oh." Hinila niya ako papunta dun sa duyan na nakatali sa dalawang puno. Umupo kami dun; Siya, nakaindian seat. Ako, yung normal na upo lang.

"Tang, sa inyo ba 'tong lugar na 'to?" Tanong ko habang nakatingin sa langit.

"Hindi ah. Pero etong duyan, oo. Haha." Sagot niya.

Simple lang naman 'tong pinuntahan namin e, puros puno at damo lang. Walang ilog at bulaklak. Pero kahit simple lang 'to, nakakarelax pa rin. Di siya kalayuan sa mall, pero tago siya. Di ko nga alam na may ganito pala e.

"Mi.." 

"Hmm?"

"Alam mo bang sanctuary ko 'to?"

Tumingin ako sa kanya saglit, nakatingin siya sa langit habang nakangiti. Di ko alam kung bakit pero napangiti rin ako. Binalik ko ang tingin ko sa langit kasi baka isipin pa nito na hinuhubaran ko siya sa utak ko. Ang landi pa naman nitong lalakeng 'to. 

"Pano mo 'to naging sanctuary?" Tanong ko.

"Feeling ko kasi safe ako dito."

"Malamang, kaya nga sanctuary eh." 

"Tss. Nagtanong ka, sinagot ko ng maayos, tapos ganun pa rin, binara mo pa rin ako. Wow ha?"

Medyo natawa ako sa sagot ni Treb. "Ulol. Ang ibig kong sabihin, pano mo 'to nakita? Tagong-tago kaya nitong lugar na 'to. Kung di mo ako dinala dito, di ko malalaman na nageexist pala 'to."

"Ahh. Nung umalis kasi si Mommy at Daddy, umiyak ako ng umiyak. Tumakbo ako paalis ng bahay, takbo lang ako ng takbo tapos ayun, napunta na lang ako dito. Simula nun, lagi na akong tumatambay dito. Ninakaw ko pa nga 'tong duyan na 'to sa bahay eh. Hahaha!" 

Tumango-tango lang ako, "May iba pa bang nakakaalam nito?"

Ako si Mia.Where stories live. Discover now