Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥

14.5K 199 17
                                    

Hi guys! Dahil wala pa akong maisip para sa next chapter, etong kaepalan na 'to muna ang ipopost ko. Sana magenjoy kayo! =)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakatingin lang ako sa apat na lalake na nasa harap ko. Ang popogi talaga nila. Tsk!

"Bani ban ban, ano ba? Magtitinginan na lang ba tayo?" Naiinip na tanong ni Lex.

"Oo nga Ban! Sinigawan mo pa kami para lang pumunta kami dito tas wala pala tayong gagawin?" Dagdag ni Kurt.

Di ko sila sinagot, tinignan ko lang sila.

"BAN! Di ka ba talaga magsasalita?" Deon.

"Ay tinapa. Baaaan!" At winagayway pa ni Ren yung kamay niya sa mukha ko.

Tinabig ko ito, "ETO NA OH! Magsasalita na. Sus! Makareklamo kayo parang kanina pa kayo walang ginagawa, kararating niyo lang kaya!" Sabi ko.

Umirap si Lex, "Bakit mo ba kasi kami pinapunta dito?" Tanong niya.

"Di na nga kayo nakapunta nung birthday ko, nagsusungit pa kayo." Nagcross arms ako at sinamaan sila ng tingin.

"Dami mong arte. Ano ba kasi talaga meron?" Ren.

Kumibit-balikat ako, "Gusto ko kayo bumati!" Masiglang sagot.

"Pinapunta mo kami dito para lang bumati?" Di makapaniwalang tanong ni Dee.

"Di mo narinig? Kasasabi nga lang di ba?" Pamimilosopa ko.

"Alam mo ikaw Ban pasalamat ka na mas bata ka sa amin. Kasi kung hinde kanina pa kita sinapak." Naiinis na sabi ni Kurt.

Ngumiti ako, "Oh di salamat!" Nakangiti kong sabi.

"Tara na nga't umuwi! Kabanas 'to si Ban-ban." Yaya sa kanila ni Lex at tumayo na.

"Oy! Saglit. Joke lang! Ang seseryoso niyo masyado. Umupo nga muna kayo." Pigil ko sa kanila, aalis na sana ng bahay eh.

Umupo naman sila, "Ano ba kasi talagang gagawin namin?" Naiinip na tanong ni Dee.


"Narinig niyo ako di ba? Babati nga kayo." Sagot ko.

"Kanino?" Tanong ni Ren.

"Sa mga friends ko!" Masigla kong sagot.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now