2: T for Tanga

22.7K 424 49
                                    

Hi bebe girl! Ayan, nakapag-update rin ako sa wakas! Hahaha. Enjoy beh. =)

------------------------------------------------------------------------------------------------

~Mia~

"LIA!" sigaw ko sabay pasok sa kwarto ni Lia.

Napa-irap naman ako sa nakita ko. Pano ba naman kasi, isang nagdre-dress up na Lia ang naabutan ko na nagpapacute pa sa harap ng salamin.

"Yes Mi? Any problem?" tanong naman niya sa akin tas umupo siya dun sa higaan niya.

Sinirado ko naman yung pinto at sumandal ako dun, "May kilala ka bang..." natigilan ako bigla, nakalimutan ko kasi yung pangalan nung lalake. Ano nga ulit pangalan nun?

"Kilalang?" takang tanong naman sa akin ni Lia.

"Wait, nakalimutan ko eh." tina-try kong alalahanin yung pangalan niya. Basta ang alam ko T ang first letter nun.

"Ewan! Nakalimutan ko. Basta T ang first letter."

"T? Hmm. Sino bang mga kilala kong T ang first letter?" nilagay ni Lia yung index finger niya sa chin niya na para bang nag-iisip, "Ah! Marami akong kilala! Si Tink, Trina, Tex, Trick, Timmy, Tikoy, Tra--"

"LIA! Tumigil ka nga. Wala naman akong sinabing i-mention mo lahat ng mga kilala mong tao na nagsta-start sa T eh."

"Hihi. Sorry naman. Ganito na lang, natatandaan mo ba yung first three letters ng name niya?" naka-ngiting tanong sa akin ni Lia.

Nag-isip isip pa ako nun. "Oo, T, R, at A. TRA. Yun."

"Ahh. Oki. Tulungan mo'ko mag isip." 

Hmm. Ano nga ulit yung pangalan nun? Tracker? Transcend? Travern? Ugh.

"Travis ba ang pangalan?"

"Oo! Travis! Travis nga." ayown naman, natandaan rin.

"Oh, anong meron kay Travis?"

"Wala naman, nakita niya kasi ako kanina sa mall tas akala niya ako ikaw."

"Oh? Di nga?"

"Oo nga. Tch. Anklaseng boypren ba yun Li? Boypren mo tas di niya alam na may kambal ka."

"Ha? Anong boypren?" takang tanong ni Lia sa akin.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now