31: Layo

11.1K 226 59
                                    

~Travis~

 

“Anong klaseng panaginip ba yun?” Sabi ko sa sarili ko pagkagising na pagkagising ko.

Kung nagtatanong kayo kung ano yung panaginip ko, di ko ikwekwento sa inyo. Loko lang! Eto, ikwekwento ko na. Nasa park kami ni Lia nun, halata sa mga mukha naming na masaya kami. Niyakap ko siya bigla tapos nagpasalamat ako. Sabi ko pa nga dun na “Li, thank you. Kundi dahil sayo, di ko siya makikilala. Salamat, Salamat talaga. Kundi dahil sayo siguro di ko marerealize na siya pala talaga yung gusto  ̶  Hindi pala. Mahal pala. Kundi dahil sayo di ko marerealiza na siya pala talaga yung mahal ko.” Ang weird di ba?! Di ko nga alam kung sino yung tinutukoy ko dun eh. Tsaka si Lia ang gusto ko, sigurado ako dun. Fine. Sigurado na hindi. Basta. Ewan! Ang gulo.

Biglang nanlaki mata ko nung naalala ko na andito pala si Mia. Inikot ko yung tingin ko sa kwarto ko pero di ko siya nakita. Tumingin ako sa wall clock.

 6:52

Baka umuwi na, gabi na rin eh. Di man lang ako nakapagpasalamat. Biglang nagvibrate cellphone ko kaya kinuha ko ‘to agad. May message.

From: Besprend Mia :)

Tang, umuwi na ako, di na ako nagpaalam sayo, tulog na tulog ka eh. Treb, kung magaling ka na bukas, magkita tayo sa park. 4:00 ng hapon. May sasabihin ako sayo. Ge.

 

Kinapa ko noo at leeg ko, di na ako ganun kainit. Ano kayo sasabihin ni Mia? Ba’t di na lang niya sinabi kanina? Kumibit-balikat na lang ako at natulog ulit.

“Hoy hoy hoy, san ka pupunta?” Tanong sa akin ni Ate Yars nung palabas na sana ako ng bahay.

“Uh.. sa labas siguro?”

 

“Di pwede! Kagagaling mo lang sa sakit tapos gagala ka kaagad? Dito ka lang.”

 

“Ate naman, okay na ako! Promise.” Sumayaw-sayaw pa ako para mas makumbinsi si ate.

“San ka ba kasi pupunta?”

 

“Sa park. Magkikita kami ni Mia.”

 

“Ahh. Okay. Sige, shoo.”

“Bilis magbago ng desisyon ah. Ge ate, bye.” Umalis na ako ng bahay at pumunta na ng park. Nakita ko si Mia na nakaupo dun sa swing, lumapit naman agad ako at umupo dun sa bakanteng swing.

“Hi Mia!” Masiglang bati ko.

Tumango lang siya.

“Ayos ka lang ba? Parang may… iba sayo.” Parang ang tamlay niya kasi eh.

“Oo.” Oh, tapos ang tipid pa sumagot.

Kumibit-balikat na lang ako. “Salamat pala. Galing talaga ng bespren ko, talagang inalaagan ako.”

Tumango lang siya.

 

Kumunot yung noo ko dun. “Sigurado ka bang okay ka lang?” Nagaalalang tanong ko.

“Oo.”

“Ow-kay.” Tumango ako. “Ano nga pala yung sasabihin mo?”

 

Bumuntong-hininga siya. “Alala mo pa yung deal natin?”

 

“Oo naman, Bakit?”

 

“Di ba sabi mo gagawin mo lahat ng gusto ko?”

 

“O-oo. Ba-bakit?” Di ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.

“Alam ko na kung ano yung gusto kong gawin mo.”

“Ano naman yun?”

 

Tinignan niya ako sa mata. “Layuan mo na ako.”

--------------------------------------------------------------------

Aray! Sakit! Tsk tsk. :( Yun lang muna sa ngayon guys. Apat na UD's ang ginawa ko sa isang araw. Ayos na yun! XD Tsaka ayoko munang mag-UD, malapit na matapos eh. :/ 

Yun lang. Bye! Labyu poreber. :*

Ako si Mia.Where stories live. Discover now