Special Chapter 4: Ang tatlong itlog

6.8K 144 29
                                    

Ang tatlong itlog: Deon, Alexander, at Renzo.

 

*********

~Renzo~

 

Humiga ako sa kama at tinapon yung unan kay Deon na naka-higa sa sahig.

“Problema mo?!” Tinapon niya pabalik sa akin yung unan pero hinayaan ko na lang.

“Ang boring.” Saad ko.

“Sinabi mo pa.” Sagot ni Lex na naka-upo du’n sa may bintana ng kwarto ko.

“Asan ba kasi yung tatlo?”

 

“Si Treb at Mia kasama si ate Yara namasyal. Si Kurt naman, kasama na naman si Lia, nagkakamabutihan na ata.” Sagot ni Dee.

“Silang tatlo may lakad, eh tayo? Nganga! Ano, tutunganga na lang ba tayo dito?”

“Aba malay ko sayo. Akala namin may plano ka kasi bigla mo na lang kami pinapunta dito.” Sagot ni Lex.

Nagkamot ako ng ulo. “Eh gusto ko nga kasi gumala tayo! Yung tatlong yun may kanya-kanyang love life. Eh tayo?”

Di sumagot yung dalawa kaya tiniganan ko sila. Mga bwiset ‘to, kaya naman pala eh! May mga katext, mga naka-ngiti pa.

“HOY! Kinakausap ko kayo, puros lang kayo text. Sagot sagot din hoy!” Sigaw ko sa kanila.

“Ha? Ano nga ulit yun dre? May joke kasi girlfriend ko eh. Hehe.” Sabi ni Dee at nagkamot ng ulo.

“Mga walang’ya kayo! May mga love life rin pala kayong mga leche na ‘to, ako na left out! Sige.”

“Walang’ya na nga, leche pa. Bibig mo nga Ren! Aba, kasalanan ba naming mahina ka sa chix? Ayusin mo kasi yang mukha mo. Mukha ka kasing Bieber wannna be.” Sabi naman ni Lex at umirap pa. Wow ha!

“Tss. Ako?! Bieber wanna be?! ASA. MUKHANG ‘TO?! TSS. ONE WORD: GWAPO.” Singhal ko habang tinuro-turo pa ‘tong gwapong mukha ko. Gago ‘to si Lex.

“Mukhang yan?!Gwapo? Bakit parang hindi ko makita, ha?” Sagot naman ni Dee.

“Sira kasi yang mata mo! Ulol.”

Sasagot na sana si Dee pero tumabi sa kanya si Lex at inakbayan siya. “Hayaan mo na lang pre, bitter kasi  yang si pareng Ren eh. Wala kasing love life, kawawa naman.” Pang-iinis ni Lex kaya pinakyuhan ko nga.

“Hahahahaha! Pikon ka naman Ren eh! ‘Lam mo, para matuwa ka pa, mag reminisce na lang kaya tayo. Tutal, wala rin naman tayong magawa kaya yun na lang. Bumalik tayo sa oras nung wala pa tayong mga girlfriend.” Sabi ni Dee.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now