22: Tanga't manhid

13.5K 254 55
                                    

~Travis~

"Bespren Miaaaaa~!" Pakantang tawag ko sa bespren ko.

"Makatawag ka? Andito lang ako sa tabi mo oh." Pagtataray niya.

"Sabay tayo lunch?" Nakangiting tanong ko.

"Ayaw." Tipid niyang sagot.

"Bakit?" Tanong ko. 

"Kasi di tayo bati." 

"HA?! Bakit?" Gulat kong tanong. Buti na lang may seatwork lang na binigay si sir kaya okay lang na magingay kami basta tapos na. 

"Wala lang. Ayaw kita. Di tayo bati." Sagot niya.

Sinundot-sundot ko tagiliran niya, "Bespreeeen. Bati tayo di ba?" Oo na, ako na parang bata. Eh bakit ba? Gwapo naman ako eh.

Pinalo niya kamay ko, "Yaks Tang. Para kang bata. Ew." Maarteng sagot nito.

"Bespren naman eh! Bakit di tayo bati?" Pagmamaktol ko.

Pinakita niya sa akin yung pinky niya, "Kita mo yan?" Tanong niya kaya tumango ako. "Yan tayo! KALABAN." 

Sinimangutan ko siya, "Eh ikaw nga yung parang bata eh!" 

Tinaasan niya ako ng kilay, "Sinasakyan ko lang trip mo brad." Sagot niya.

Sinimangutan ko siya ulit kaya inirapan niya ako. Dahil trip ko mangulit ngayon, kiniliti ko siya. 

"Ay peste! Pfft. Hahaha... TANG! Ta--HAHAHA! Anak ng. TRAVIS!" Sigaw niya pero tumawa ulit. Natatawa ako sa mukha niya, sisimangut kasi tapos maya-maya tatawa. Hahaha! Adik lang.

"Ehem. EHEM. Nasa klase ho tayo. Paalala lang." 

 Sabay kaming tumingin ni Mia sa harap.

"Oh, okay lang naman daw mag-ingay ah." Sabi ko kay Kurt.

Inakbayan naman ako ni Dee na bigla na lang sumulpot kung saan, "Hayaan mo na Treb, nagseselos eh." Bulong niya sa akin.

Sasagot pa sana ako pero umalis na ito at bumalik sa upuan niya. Binigyan ko si Kurt ng isang mapang-asar na ngiti at matinding selos-ka? look. Sinamaan niya lang ako ng tingin at sa iba na lang tumingin. 

"Hoy ha ikaw, bakit mo inaaway si Kulot?" Tanong sa akin ni Mia.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now