12: Selos

15K 250 36
                                    

~Travis~

 


"Hello! It's a brand new day. Lalala! Today's gonna be alright. Oh hooray for today~!" Kanta ni Ate Yars duon sa kusina.

"Ate, ang aga-aga nambubulabog ka." Sabi ko sa kanya ng nakasimangot.

Humarap sa akin si Ate, nagluluto kasi siya kaya nakatalikod siya, "Kelan pa naging maaga ang 11:29, aber?" Tumalikod ulit siya, "Kahapon ka pa nakasimangot, ano bang meron?" Tanong niya.

"Kabanas kasi Ate eh!" Sagot ko at umupo na ako dun sa table.

"Yan din ang sinagot mo sa akin kahapon. Ano ba kasi talagang meron?" Tanong niya ulit nang nakatalikod pa rin.

Nagbuntong hinginga muna ako bago sumagot, "Nagaway kasi kami ni Mia." Sagot ko.

Biglang humarap sa akin si Ate, "Magkasundo pala kayo?! I mean, wait... What?! Nagaway kayo?" Gulat niyang tanong.

"Kelan ko pa bang ulitin? Tss."

Umirap si Ate at pinagpatuloy yung pagluto niya, "Treb, care to make kwento?"

"Care not to be conyo?" Ginaya ko yung tono niya.

Tinignan niya ako sandali at binigyan ng death glare, "Care not to be pakialamero?"

Natatawang umirap ako, "Eto na, magkwekwento na."

"Wait! Wag muna. Tapos na ako oh." Sabi ni Ate, pinatay na niya yung apoy at nilipat sa plato yung porkchop. Kumuha pa siya ng isang plato at naglagay dun ng kanin. Kumuha naman ako ng plato at kutsara't tinidor para sa amin.

"Game. Kwento ka na!" Sabi sa akin ni Ate, naglagay siya ng kanin at ulam sa plato niya.

Naglagay na rin ako ng pagkain sa plato ko, "Kahapon yun ng lunch eh. Biglaan lang." Sumubo ako.

Sumubo muna si Ate bago siya sumagot, "Kelan pa ba naging planado ang away?" Pilisopa niyang sagot.

"Ate naman eh."

"Hays. Alam kong nagaway kayo. Ang tinatanong ko eh kung bakit."

Sumubo ulit ako, "Ang init kasi ng ulo niya eh." Sagot ko.

Tumango lang si Ate, "Continue.."

Kwinento ko sa kanya yung nangyare. Ngumisi siya sa akin, "Di kaya nagkakaselosan na kayo?" Tanong niya.

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon