. . . ⇢ 65 ˎˊ˗

154 10 2
                                    

katahimikan.

nanatiling balisa ang magkakaibigan habang naghihintay sa labas nang malaman nila ang nangyari kay hera. sila sunoo, danica, francine, cyril, jake at ni-ki lang ang nandito kasama na rin si mae. si joy kasi ay papunta pa lang.

nag-aalala sila para sa kaibigan nila, lalo na si ni-ki na kanina pa hindi mapakali. pinapakalma siya nila sunoo at jake dahil kaunti na lang malapit na mag-breakdown si ni-ki mula sa kinauupuan niya.

"w-what happened to hera..?"

napatingin ang lahat maliban kay ni-ki nang tuluyang makarating si joy. pero pansin din nilang kasama nito si jay na ikinataas ng kilay ni sunoo. ang iba naman ay hindi inaasahan si jay.

"magkasama kayo..?" tanong ni francine.

dahan-dahang napalingon si joy sa katabi niyang si jay at tumango. "nagkita kami sa labas ng hospital at pupuntahan niya rin si hera kaya magkasabay kami ngayon." paliwanag ni joy.

hindi na sila sumagot after non kaya nanatili na naman ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila. hanggang sa ilang minuto ang lumipas, agad silang napatayo nang makita nilang lumabas ang doctor mula sa kwarto ni hera.

"d-doc!" naunang lumapit si ni-ki sa doctor. "a-ano pong lagay niya?"

tumikhim ang doctor habang ang iba ay naghihintay sa isasagot nito. napatingin siya kay ni-ki na halatang kinakabahan. "bago 'yan, nasaan ang kamag-anak ng patient? i need to talk to them."

nagkatinginan ang magkakaibigan, halatang wala silang maisagot. magsasalita pa sana ulit ang doctor nang mapalingon silang lahat sa unahan nang makita nila si sunghoon na diretsong naglakad papunta sa doctor.

"i'm park sunghoon, hera's cousin. how is she?"

nagulat sila sunoo sa sinabi ni sunghoon pero alam nilang sinabi lang 'yon ni sunghoon para hindi na maghanap pa ang doctor at masabi na nito ang lagay ng dalaga.

isa pa, may karapatan din namang malaman ni sunghoon ang lagay ni hera dahil isa si hera sa pinaka mahalagang tao sa buhay ni charlotte kaya mahalaga na rin para kay sunghoon si hera.

after all, tinuturing nila charlotte at sunghoon na baby si hera.

"her multiple myeloma cancer is getting worse since it is an active multiple myeloma and the calcium levels get too high in her blood and she may even slip into a coma." paninimula ng doctor na lalong ikinabagsak ng mga balikat nila.

"w-what do you mean?" tanong ni ni-ki.

huminga ng malalim ang doctor at saka muling nagsalita. "she's in stage 3 also known as last-stage multiple myeloma and stage 3 is the terminal stage which can't be cured or likely to lead to.. you know. but if she had been given early treatment for her illness, there's a possibility that she would have recovered."

"sinasabi mo bang hindi nagme-medical treatment si hera?" kunot noong saad ni sunghoon.

imposible kasing hindi ito nagme-medical treatment dahil ang alam nila umalis si hera ng bansa para magpagamot. sinabi din 'yon ni hera sa kanila, na magpapagaling siya pero ano 'tong sinasabi ng doctor?

naghihintay lang sila sa sagot ng doctor hanggang sa dahan-dahan itong umiling. napanganga sila, hindi makapaniwala. si ni-ki naman ay napayuko na lang, namumuo na rin ang luha sa kanyang mga mata.

"pero doc.. g-gagaling po si hera, di'ba?" si joy naman ang nagtanong.

pero yumuko lang ang doctor. "i'm sorry, but i can't answer that. maiwan ko na kayo." sagot nito saka nagsimulang maglakad palayo sa magkakaibigang nanghihina sa kanilang nalaman.

"she lied.. to us."

napatingin sila kay sunghoon nang sabihin niya iyon. seryoso ito pero makikita sa mga mata nito ang pag-aalala para kay hera. bumuntong hininga siya saka kinuha ang phone niya mula sa bulsa.

"kakausapin ko si charlotte."

doon, pinanood ng iba si sunghoon na naglalakad palayo habang si ni-ki ay naupo na lang. halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to pero isa lang ang gusto niya.

ang 'wag muli mawala si hera sa kanya.

-♡️-

mae
@maelary

sunoo
hey mae, kasama mo ba si ni-ki?

mae
nasa labas kami, gusto mo ba siya makausap?

sunoo
no thanks, gusto ko lang malaman kung ayos siya

sunoo
at kasama ka naman niya kaya kahit papano magiging okay siya

mae
lol, paano mo naman nasabi?

mae
si hera lang ang magpapagaan sa loob niya at si hera ay hindi pa rin gumigising

sunoo
well akala mo lang yon

sunoo
pero i-try mo lang na pagaain ang loob niya

sunoo
kailangan niya ng masasandalan ngayon

mae
kahit hindi mo sabihin, bukal sa loob ko yang gagawin

sunoo
halata naman, hindi mo nga siya iniwan kanina

sunoo
inlababo ka talaga kay ni-ki no? yiee

mae
sira ka ba? may gf na yon wag kang ganyan

sunoo
mae, never naging sila ni ni-ki at hera

sunoo
kaya may pag-asa ka pa

mae
pinagsasabe mo diyan? HAHAHAHA

mae
akala ko ba support mo silang dalawa?

sunoo
oo naman no, sa una pa lang gusto ko na talaga si ni-ki at si hera para sa isa't-isa

sunoo
pero kasi masyado na maraming binigay na sakit si hera kay ni-ki at ikaw, ikaw yung nakita kong nandiyan para muli siyang pasiyahin

sunoo
kaya sana wag mo siyang iwan

mae
ewan ko sayo HAHAHA

mae
magagalit sayo si hera nan e

sunoo
bakit? for sure ito rin ang gusto ni hera

mae
what do you mean?

mae
gusto ni hera na maging kami ni ni-ki?

mae
sunoo?

mae
kim sunoo?

mae
eh?

mae
alam mo

mae
ang weird mo minsan hAHAHAH

-♡️-

100721

✎ .ೃ notes ;
yung mga pinagsasabi ko dito about myeloma cancer, true po 'yon since nagresearch ako about multiple myeloma kahit nahilo na 'ko para lang intindihin ang sakit na 'yan kdkdkd but still, may iniba akong infos para bumagay sa plot hAHAHAHA :P

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon