. . . ⇢ 66 ˎˊ˗

159 10 5
                                    

isa.

dalawa.

tatlo.

tatlong araw ng nakahiga si hera at hindi pa rin nagkakamalay. ang makitang nagkakaganito ang dalaga ay hindi maatim na tingnan ni ni-ki. masakit kasi para sa kanya na nakikitang ganito ang babaeng mahalaga sa kanya.

may pasok ngayon pero pinili ni ni-ki na umabsent muna para lang mag-alaga kay hera. nandiyan naman ang yaya ni hera at si kyden pero nagpumilit si ni-ki na siya naman ang mag-aalaga sa dalaga.

nakaupo si ni-ki ngayon habang nakatitig sa walang malay na dalaga. kinuha ni ni-ki ang kamay nito at doon lang napansin ang mga pasa sa braso nito. ni-ki blinks, iniintindi ang kanyang nakita.

bakit siya may mga pasa?

napaawang ang labi niya at isa-isang hinawakan ang mga pasa sa braso ng dalaga.

b-bakit ngayon ko lang 'to nakita?

hindi makapaniwala si ni-ki sa kanyang sarili. dahan-dahan niyang bitawan ang kamay ng dalaga at napahilamos sa kanyang mukha, hindi na niya napansin ang nagbabadyang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.

"malubha na pala ang sakit niya.. p-pero bakit hindi ko man lang 'yon napapansin?"

muli niyang ibinaling ang tingin sa dalaga at hindi lang ang mga braso ng dalaga ang may mga pasa, meron din sa leeg nito at mga binti. dahil doon ay hindi maiwasan ni ni-ki na magalit sa kanyang sarili.

hindi ko siya naalagaan ng mabuti.

"i-i'm sorry.."

matapos niya 'yong sabihin ay agad siyang lumabas ng kwarto. nagulat pa siya nang makasalubong niya si mae na mukhang papunta pa lang dahilan para mapahinto siya. nagitla si mae nang nakita ang itsura ni ni-ki.

"bakit ka umiiyak—"

pero agad din siyang nilagpasan ni ni-ki at nagmamadaling naglakad palayo doon. hindi na nag-aksaya ng oras si mae at agad sinundan ang binata.

nakita niya itong pumunta sa may parking lot ng hospital kaya naman nang maabutan niya si ni-ki ay agad niya itong hinila sa braso na siyang nagpatigil dito at unti-unting napalingon sa kanya.

"ni-ki.."

unti-unting napayuko si ni-ki. "n-nagkulang ako.. h-hindi ko siya naalagaan ng maayos.."

kahit mahina ang pagkakasabi ni ni-ki ay narinig pa rin 'yon ni mae dahilan para makaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. hindi kayang makita ni mae na umiiyak si ni-ki kaya agad niya itong niyakap.

"shh.. it's not your fault. 'wag mo sanang sisisihin ang sarili mo." mae said softly, trying to comfort him.

umiling-iling lang si ni-ki. "then bakit nasa hospital siya ngayon? nakahiga at walang malay? kasi dahil sa akin, sa pagkukulang ko—"

"ni-ki!" natigilan si ni-ki nang sumigaw si mae at alugin ang balikat niya. "look, hindi mo kasalanan 'yon at hindi ka nagkulang. nakita ko kung paano mo alagaan si hera kaya 'wag mong sabihin 'yan. you did your best.. pero sadyang napakalupit ni life."

matapos 'yon sabihin ni mae ay ngumiti siya habang si ni-ki ay napatitig sa kanya. pero agad ding umiwas ng tingin si ni-ki at humakbang palayo sa dalaga habang umiiling-iling, nasa ibaba ang tingin.

"mae.."

"hmm?"

"s-siguro mas magandang 'wag muna tayo mag-usap."

bahagyang nagitla si mae nang sabihin 'yon ni ni-ki ng biglaan. napakunot ang noo niya. "ha? ano bang pinagsasabi mo diyan?"

dahan-dahan nag-angat ng tingin si ni-ki kay mae at saka nagpakawala ng malalim na hininga. "a-ayokong ma-fall sa'yo."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon