Chapter 21

7.1K 236 29
                                    

K E V A N


Let's go to the beach, each
Let's go get away
They say, what they gonna say?
Have a drink, clink, found the bud light
Bad b*tches like me, is hard to come by
The patron on, let's go get it on
The zone on, yes, I'm in the zone
Is it two, three? Leave a good tip
I'mma blow off my money and don't give two sh*ts


Eeerrr! Umagang-umaga, na LSS na ako sa kanta ni Nicki Minaj. Ewan ko, pinakinggan ko lang naman ng isang beses para maging in-the-zone ako sa pag punta namin sa beach.

Speaking of the beach, di ako masyadong nakatulog kagabi. Na excite ako ng malala. Kaya ngayon, sobrang inaantok ako habang nasa byahe kami ni Prince papunta sa dorm ni Timmy. Andun na din sina Denver, Loraine at Marian, at para sabay-sabay na lang kaming pumunta sa meeting place namin sa 7 Eleven.

Napansin kong medyo uneasy si Prince. Kung ano-ano nang pinagsasabi ko sa kanya kagabi para lang pumayag siyang sumama. Ayaw nga niya sana pero sa huli, napapayag ko din siya kapalit ng pangako kong ipaglaba siya ng dalawang linggo. Gawin ba naman akong utusan. Ugh! Bahala na nga, basta sumama lang siya.

Napakilala ko na dati si Prince kila Timmy nang minsang manuod ito ng sayaw namin sa school, kaya di ko maintindihan sa kanya kung bakit siya nahihiya eh halos kilala niya naman lahat ng mga makakasama namin, pati si Kent at ang pinsan nito.

Hanggang sa narating na namin ang dorm ni Timmy. Natawa naman ako sa get-up niya. Naka hot pink fedora hat siya na may ribbon pa, at aviator sunglasses.

"Hoy, bakla! Madilim pa, naka shades ka na. Excited teh?" pag okray sa kanya ni Loraine.

Totoo naman, madilim pa kasi. 4:45 am pa lang. Haha!

"Che! Wag mo ko pakialaman, bishhhh!" sagot niya.

"Mas bishhhh ka, Timmy!" pahabol ni Loraine.

"Excusez-moi! It's Tamara, not Timmy!" ika niya sabay irap ng mata.

"Kung maka Tamara ka jan, alam na ba yan ng tatay mo, Timoteo Dimaguiba Jr.?" bulalas ni Denver kaya nag sitawanan kaming lahat.

Sumimangot naman ang mukha ni Timmy bago pa niya tinuon ang pansin kay Prince.

"Hello, Prinsipe ko! Kamusta ka na?" pagpapacute ni Timmy. Crush niya daw kasi ito nung una pa lang silang nagkakilala dati.

Napangisi naman si Prince. "Okay lang, Princess. Ikaw?"

Nakatanggap agad ng hampas si Loraine galing kay Timmy. Kinilig naman siya sa pagtawag sa kanyang Princess ni Prince. Ang hirap talagang kiligin ni Timmy, nananakit! Lokong Prince na 'to, sinasakyan din ang trip ni Timmy.

"Eerrr! Ano vaaa! Wag ka kashe ganyan, Prinsh!" nagpacute pa lalo si Timmy, tumawa lang naman si Prince.

"Ready na ba lahat? Tara na!" pagyaya ko.

Tumango naman sila at kinuha na ang mga gamit tsaka nag simula na kaming maglakad papuntang 7 Eleven. Malapit lang naman kasi ang dorm ni Timmy sa school.

Sakto, nakarating kami 5 minutes before mag 5am, at nakita namin ang nakaparadang puting Toyota Coaster sa tapat ng 7 Eleven. Nakatayo naman sa labas ng coaster ang tatlong matangkad na lalaking nag-uusap.

Namukhaan ko agad si Kent na naka black na sando at ang isang lalaki na alam kong varsity din ng basketball pero di ko matandaan ang pangalan. Pareho naman silang tatlo na naka board shorts. In fairness, ang laki ng mga katawan nila.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now