Chapter 44

7.9K 306 162
                                    

Ang Cheerleader ng Buhay Ko has reached another milestone! Akalain mo yun? Umabot na sa 100K reads! Whoa!

THANK YOU sa patuloy niyong pag-babasa nito kahit sobrang bagal ko mag update. Nothing can be more rewarding than the appreciation I get from you, guys. Your never-ending support fuels my passion to keep on writing.

Pipilitin kong mas lalo pang maging interesting ang flow ng story! Kapit lang, goyzz 😉

Basta, thank you, thank you!

Cheers,
😈







K E V A N



Parang nung isang buwan lang nag umpisa ang semester, ngayon exams na naman. Exam week na kaya wala muna kaming practice sa pep squad. Palapit na ng palapit ang araw ng competition, pero kailangan din naman naming pag-tuunan ng pansin ang aming pag-aaral.

Cheer hard, study harder!

Yan ang mga katagang laging sinasabi ni coach sa amin. Sa mga ganitong pagkakataon ko nararamdaman na estudyante parin naman pala ako. Di yung puro stunts, talon at tumbling na lang. Aral-aral din pag may time para may maisagot naman sa midterm exams, lalong-lalo na sa mga major.

Pero pang-asar lang din yung mga minor subjects na feeling major eh, noh? Lalong-lalo na yung Rizal! Pake ko naman ba kay Jose Rizal? Anong connect niya sa kurso kong IT? Paki explain?! Di ako interesado sa drama nila ni Josephine Bracken, sa totoo lang! Pero pakshet talaga, kailangang maipasa! Or else... Haaay! Kung kasing talino lang sana ako ni Kent. Puking ina this!

Speaking of Kent, ang weird ng mokong na yun lately. Napapadalas na yung pag-bigay niya ng mga kung ano-ano sa akin. Eh ako naman si tanggap. Why not coconut? Chocolates yun eh! Kisses yun eh! At masarap talaga kapag libre! Waah!

Nasabi kong weird kasi maraming pagkakataon na bigla na lang siyang magiging seryoso at parang may sasabihin — pero wala naman. Alam mo yun? Kung kaya ko lang sanang basahin ang nasa isip niya. Tapos pag magkasama kaming dalawa, ang touchy niya! Madalas niyang kinukurot ang pisngi ko. Tapos bigla niyang kakalabitin ang tagiliran ko, o kikilitiin ako, o guguluhin ang buhok ko. Pag naglalakad nga kami, minsan umaakbay pa sa 'kin. Di naman sa ayaw ko — ayaw ko lang na may masabi ang ibang tao.

Pero dahil sa lahat ng mga pinag-gagagawa niya, parang hinahalukay ang utak at damdamin ko. Tama lang bang makaramdam ako ng ganito?

Haay, ano nga ba 'tong nararamdaman ko?

"Kev!" pag-tawag ni Kent pagka-labas ko ng computer lab.

"Ah..eh..uuuyyy, Kent!" bati ko, sinusubukang umiwas sa seryoso niyang tingin.

Kakatapos ko lang ng exam sa subject naming Advanced Database at parang natuyo ang utak ko sa kung ano-anong entity relationship diagram. Eeerrrr! Si Kent ang bilis natapos ang exam. Ilang minuto pa lang, lumabas na agad siya! Naka sandal siya sa may pader at malamang hinintay niya talaga akong matapos. Eh sorry naman, di magka-lahi ang aming mga brain cells!

"Are you avoiding me?" diretcho niyang tanong.

"Ha?! Bakit—anong—hindi ah!" sagot ko. Ano namang pumasok sa kukote niya para sabihing iniiwasan ko siya?

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin