Chapter 42

8.2K 303 222
                                    

K E V A N


Ang sarap pala sa feeling na pag gising mo may nakayakap sa'yo, at hawak-hawak pa niya ang kamay mo. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng ganito. Para akong lumulutang, na pakiramdam ko, safe ako sa kung ano man.

Ang sarap! At ang saya! Yung tipong nararamdaman mo ang init ng kanyang katawan, at pati narin ang bawat pintig ng kanyang puso. Naririnig mo ang bawat pag-hinga niya, na kahit medyo humihilik siya eh parang music lang sa'yong tenga. At dahil nakasiksik ang ulo ko sa may kili-kili niya, medyo nakikiliti ako sa tuwing tumatama sa batok ko ang kaniyang hininga.

Tapos, idagdag mo pa ang amoy niyang napaka bango. May distinct talaga na amoy ang bawat tao eh. At alam na alam ko ang amoy niyang 'to. Halos araw-araw ko ba namang naamoy ang pabango niya, sa amoy pa lang, makikilala ko na agad siya.

Naramdaman kong medyo humigpit pa lalo ang yakap niya sa'kin kasabay ng kanyang mahinang pag-hilik. Ayoko nang kumawala sa tagpong 'to. Pero dahil sa pag-galaw niya, biglang natauhan ako.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at tiningnan siya. Agad rumehistro sa paningin ko ang mukha niya. Tama nga ako. Sa amoy pa lang niya, di ako pwedeng magkamali. Agad naman akong nanlamig na parang sinabuyan ng nagyeyelong tubig ang aking mukha nang unti-unting nag sink-in sa 'kin ang pangyayari.

Dahan-dahan akong kumawala sa pagkakapulupot ng braso niya. Nang makawala na ako, bigla ko namang naramdaman na may tao sa kabilang side ko. Pag-tingin ko, mas lalong tinakasan ng dugo ang mukha ko.

Shiiiit! Onga pala! Natulog ako sa gitna nilang dalawa. Naalala ko bigla kung gaano ka awkward ang sitwasyon namin kagabi. Eh pano ba naman kasi, pang isang tao lang naman talaga ang kama ko. Siguro kasya na dalawa, pero sa laki nilang pareho? Imposible!

Kaya nag decide kaming maglatag na lang ng mattress sa sahig. Ayoko namang may isa sa kanilang matulog sa sahig. Nag-volunteer na 'kong sa sahig na lang, pero ayaw din naman pumayag ng dalawa. Pero pakshet lang talaga! Nag-unahan ba naman sila sa parehong sulok. Wala akong choice kundi ang humiga sa gitna nilang dalawa. Buong gabi akong parang estatwang nakatingin lang sa kisame. Di ako makagalaw. Ang awkward talaga! Si Kent nasa isang side, at si Jansen naman sa kabila!

Mabilis naman silang nakatulog. Pareho na silang humihilik pero gising na gising pa ang diwa ko. Wala akong magawa kundi ang humilata at panoorin ang love story ng dalawang butiki sa kisame. Takte! Pano ako makakatulog ng comportable kung pareho silang nakatagilid na nakaharap sa akin, aber?! Eeerrr!

Naputol na lang ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng katok sa pinto na sinundan ng boses ni mama.

"Nak?"

"Tulog ka pa?"

"Gising na!"

"Huy!"

Sunod-sunod na tawag ni mama nang di muna ako sumagot. Inaantok pa'ko eh! Naisip ko lang – bakit kaya ganyan ang mga nanay, noh? Papatulugin ka kapag ayaw mo pang matulog, tapos gigisingin ka naman pag ayaw mo pang gumising. Hay nako!

"Mamaya na, ma! Antok pa 'ko eh!" reklamo ko sabay talukbong ng unan sa mukha.

Tsaka sa pagkaka-alam ko, sabado ngayon so okay lang matulog ng mahaba. Biglang bumukas ang pinto at narinig ku ulit ang boses niyang medyo pabulong.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now