Chapter 51

5.5K 169 136
                                    


K E V A N


"Beshiecake wer na u?"

Pangatlong chat na ata ni Timmy. Atat din 'tong baklang 'to, eh may 12 minutes pa naman bago mag alas otcho na usapan naming magkita sa harap ng school. Alam naman niyang pa ika-ika parin ako dahil sa sprain ko sa paa at gamit ko parin yung saklay.

Magta-taxi na nga dapat ako eh, pero alam mo naman ang mga hinayupak na taxi drivers, ang lapit-lapit ng pupuntahan ko, kontratahin ba naman ako ng 200 pesos! Tanga? Kaya nag jeep na lang ako at makakarating ako sa paroroonan ko in less than ten pesos. Pero shet lang, hirap pala talagang umakyat-baba ng jeep pag may pilay!

Di ko na nireplyan si Timmy dahil natatanaw ko naman na ang gate ng school, at nakita ko na siyang naka tayo sa may waiting shed. Talagang makikita mo na siya kahit sa malayo dahil sa suot niyang kulay hot pink na fitted t-shirt, tattered na pekpek shorts, at pink ding Converse na sapatos. Sinalubong naman niya ako at inalalayan sa pagbaba ng jeep.

"Ang tagal mo naman friend," sabi niya habang inaalalayan akong maglakad.

"Luh! May 10 minutes pa bago mag alas otcho oh!" sagot ko naman.

"Che! Excited lang!"

Excited kasi 'to sa gaganaping auction namin mamayang hapon kaya heto, kahit maaga pa, pupunta na kami ng school para ihanda ang venue, ang program, at lahat ng mga kailangan. Ito yung big event namin, so kailangang maayos ang takbo ng lahat.

"Nag breakfast ka na ba?" aniya.

"Di pa nga eh. Kapeng-kape na 'ko," sagot ko.

Sakto namang may dumaang grupo ng mga batang lalaki sa aming harapan, na tiningan ni Timmy ng pagkaaaa lagkit-lagkit.

"Uhmm parang gusto kong mag Jollibee," pahayag niya habang nakatitig sa mga bata.

"Huh? Kaka-Jollibee mo lang ah,"

"Gusto ko kasi ng Kiddie Meal," ika niya at akmang susunod sa mga batang lalaki.

Baklang 'to! Aga-aga eh. Nabatukan ko tuloy.

Napagpasyahan naming mag breakfast na lang sa malapit na cafe habang hinihintay ang iba pa naming mga kasama. Balak din naming i-finalize na muna ang lahat ng detalye ng auction. After lunch pa naman ang call time sa lahat ng kasali, kaya marami-rami pa kaming oras. Agad na kaming tumungo sa counter para umorder nang mapansin namin ang dalawang babae na naunang nakapila sa amin.

"Uy, Kath! Aga natin ah. Musta?" masayang bati ko at ngumiti lang ako sa kasama niya.

"Hello, Ms. President!" bati naman ni Timmy sa kanya sabay kaway at pa-cute.

Pero tinaasan lang nila kami ng kilay at tiningnan lang ni Kath si Timmy mula ulo hanggang paa. Parang na-conscious naman si Timmy kaya napatingin at napaayos siya bigla ng kanyang suot. Nagtaka ako kung bakit ganon na lang ang tugon niya sa bati namin. Di siya sumagot at tahimik na lang kaming pumila sa kanilang likuran.

"Hala, aga-aga nagtataray na naman si mayora?" bulong ni Timmy. Napa kibit-balikat na lang ako.

"Hello, Ms. Kath! Your usual order po ba?" tanong ng babaeng barista.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now