Chapter 34

6.7K 255 43
                                    

Thank you very much for your continued support! Ang Cheerleader Ng Buhay Ko has reached another milestone — 20.3K reads na as of late!

Never akong nag expect na may magbabasa ng kahibangan ko sa Wattpad, haha! Maraming, maraming salamat!


* * *

K E V A N



"GOOD MORNING!" sigaw ko pag dilat na pag dilat pa lang ng mga mata ko.

Maganda ang gising ko dahil maganda din ang naging tulog ko. Naunahan ko pa ang alarm clock. Himalaaaa!

Agad na akong bumangon at naupo sa kama. Napansin kong wala na si Prince sa kama niya. Siguro nasa banyo na siya dahil naririnig ko ang mahinang agos ng tubig mula sa gripo.

Inayos ko na ang kama ko at inihanda ang uniform at iba ko pang mga kailangang gamit. Ilang sandali na ang lumipas at madami na akong nagawa pero di parin lumalabas si Prince sa banyo. Naiihi na ako. Eeerrr!

Mahina akong kumatok. "Tarzan, matagal ka pa ba jan?"

Di siya sumagot kaya kumatok uli ako. "Prince!"

"Wait lang!" sigaw niya.

Ihing-ihi na talaga ako kaya kinuha ko ang susi ng banyo. Pinapasok nga niya ako sa banyo eh, edi ako din! Agad kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa tumambad sa harapan ko.

Ang loko-lokong Prince – nakahubad siya't nakatayo sa may shower area. Hawak ang cellphone sa kaliwang kamay, sa kanan naman ay hawak niya yung ano niya. Alam mo na yun! Haha!

"Huli ka balbon!" natatawa kong sigaw na ikinagulat niya.

"Pusang gala! Kingina naman, Kevan!"

Napatakip siya sa junjun niya at di sinasadyang nabitawan ang cellphone na nagslide malapit sa paanan ko. Agad ko itong dinampot at tiningnan ang screen. Haha! Umagang-umaga, porn agad ang tinitira ng walangya! Mabilis naman niya itong inagaw sa kamay ko.

Te-teka! Tama ba ang nakita ko? Dalawang lalaki ang nag aanuhan sa video? Tch! Bakit naman manunuod si Prince ng ganon? Hindi, hindi! Namamalikmata lang siguro ako.

"Kaya pala ang tagal mo! Aga-aga Pornhub agad tinitira? Aba matindi! Haha!" kantiyaw ko sa kaniya.

"Gago! Wag mo nga ako pakialaman!" depensa niya.

"Heh! Pa-ihi muna saglit, tuloy mo na lang mamaya, haha!" ika ko at pumasok na ng banyo para umihi.

Makalipas ang isang oras, sakay na ako ng jeep papuntang school. Akala ko naihanda ko na ang lahat ng gamit ko pero huli na nang mapansin kong naiwan ko pala ang cellphone ko. Okay lang, makakasurvive naman siguro ako na walang phone ng isang araw.

Ang aliwalas ng panahon ngayon at walang traffic kaya naman mabilis ang naging byahe ko. Kaso ilang kanto na lang sana ang layo mula sa school, tumirik pa ang sinasakyan kong jeep. Pakshet lang? At dahil mga sampung cartwheel at limang back handspring na lang naman ang layo ng school, nagpasya na akong lakarin na lang.

Suot ang aviator sunglasses ko, sinimulan ko nang tahakin ang daan. Naalala ko na may shortcut pala dito na tinuro sa 'kin si Timmy, kaya di na 'ko nag dalawang isip na doon na lang dumaan.

Maaga pa at konti pa lang ang mga tao. Isang lalaki lang at parating na pedicab ang natatanaw ko sa di kalayuan. May oras pa ako kaya di na ako nagmadali.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now