Chapter 22

7.6K 218 34
                                    

J A N S E N



"Pre, tara!" pagyaya ko kay Louie para umakyat na sa Coaster.

Tinapon ko na ang sigarilyo bago tinungo ang pinto ng sasakyan. Naka-akyat na ang mga jejemon at bading na mga cheerleaders kaya kami na lang ang huling sasakay.

Nabadtrip ako sa iba naming kasama. Nag back-out ba naman sa lakad na 'to last minute? Buti na lang si Louie, kahit medyo may hang-over eh sumama parin. I'm actually half-hearted going with these people on this trip; kung di lang ako nahihiya kay Kent eh.

Pag-akyat ko sa Coaster, agad nag salubong ang mga mata namin ni Joey. I guess we stared at each other for a few seconds before she rolled her eyes on me.

Okay, ayaw parin ako kausapin ni Joey, I thought.

Teka, sino 'tong kumag na kasama ni Joey? Ngayon ko lang 'to nakita ah. Well, I don't give a damn kahit sino man ang kasama mo, Joey. Matagal na tayong tapos, I don't care about you anymore.

Nabaling ang tingin ko kay baby girl sa kabilang dako ng upuan. Ang cute talaga niya, ang hot. Aside sa mga chinita, gusto ko din yung medyo morena; yung Filipina beauty. Well, baka may something good din naman akong mapapala sa pagsama dito. Malay mo, makascore ako mamaya kay baby girl. Naimagine ko naman agad na naka hubad siya sa harap ko, hawak-hawak ang malaking junior ko.

"F*ck! Ang aga-aga, libog agad, Jansen?" pagsaway ko sa sarili ko. "Basta, mapapasaakin ka din, matitikman din kita soon, Loraine."

Nagsalubong din ang mga mata namin ng kumag na si Kevan. Magkatabi sila ni Kent sa upuan, pero agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin.

Buti nga, titingin-tingin ka pa, balian kita jan eh, I thought.

Louie and I settled into our own window seats in the back rows. Ang ganda ng coaster na 'to. Sobrang comfortable ng seats at ang luwag ng leg room, kaya nakaka upo ako ng comportable sa haba ba naman ng mga legs ko sa height kong 6 feet.

Maya-maya pa'y umandar na ang sasakyan at nagsimula nang tahakin ang daan patungo sa destinasyon namin. Mahaba-habang roadtrip 'to, 5-6 hours ata ang byahe. I've been to Punta Caballero a couple of times, and masasabi kong maganda talaga dun.

Bigla akong naasar nang marinig kong naglalampungan sina Kent at Kevan sa harap ko. Di ko naman makita ang ginagawa nila dahil sa distance at taas ng seats ng coaster. Ewan ko ba, wala naman akong pakialam sa kaniya, basta naaasar lang talaga ako. Kung di lang ako nangako kay Kent na di na gagambalain yang Kevan na yan, baka matagal ko nang binalian yan. Kevan is an eye sore!

Aha! Sumama din pala ang baklang Timmy na yun. Napangiti ako nang naalala ko ang paglock ko sa kaniya sa banyo. Kulang pa nga yun eh. Sana sinunog ko na lang din ang banyo para mabawasan naman ang mga bading sa mundo. Di naman sila nanganganak, pero dumadami na talaga sila, swear!

I can see Loraine and that Denver guy from where I was seated. Sayang, kung magkatabi sana tayo, Loraine, sa bus pa lang madadali na kita.

Patience, Jansen, sabi ko sa sarili ko.

Nakita ko na bigla siyang inakbayan ni Denver at hinila papalapit sa kaniya sabay yakap. Nahalata ko naman na parang ang sweet nila sa isat-isa. Hmm, there must be something going on between the two. Hindi pwede! Akin lang si baby girl!

I sighed. Why am I even here? Napilitan lang naman talaga akong sumama. Ang hirap kasing tanggihan ni Kent. I know minsan lang naman siya magyaya ng ganitong lakad, kaya di ako naka tanggi. Besides, we were expecting a few more people na sumama, but they all cancelled. Argh! I just don't feel like mingling with these people.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now