Chapter 4

8.9K 301 18
                                    

K E V A N

Madilim pa sa labas pag gising ko. Nakikita ko ang ilaw ng poste na pumapasok sa maliit na butas ng bintana. Lagpas alas dose na'ko nakatulog kagabi, pero pakiramdam ko ang haba ng tulog ko ngayon.

Bakit kaya ganun? Kahapon naman sobrang pagod ako pag gising ko. Messed up na talaga siguro ang body clock ko.

Dinampot ko ang cellphone ko sa may bedside table sa pagitan ng kama namin ni Prince, tinignan ang oras at 4:46 am pa lang. Parang mantikang tulog naman si Prince na nakahilata sa kama niya sa kabilang side ng kwarto. Ang lakas humilik, pero sanay na ako.

Sakto lang ang laki ng kwarto namin. Pagpasok ng pinto, agad tatambad sayo ang malaking wooden cabinet. Share kami ni Prince dito, malaki naman talaga kasi at maluwang pa naman kahit lahat ng damit namin ay nandito. Syempre, magkahati kami sa rent.

Sa katunayan, maganda talaga ang nakuha naming kwarto. Naka tiles ang sahig, at may kasama nang aircon. Pero nagtitipid na kami sa kuryente kaya isa o dalawang oras lang itong naka-on bago matulog sa gabi, at nag i-electric fan na lang kami buong magdamag. May mini-kitchen din ito na may electric stove kung saan kami nag luluto.

Maganda din ang banyo. Favorite ko ngang tambayan yun eh. Wala lang. Nakakapag-isip kasi ako ng maayos kapag nasa banyo, naka upo lang sa toilet bowl. Minsan, dun ko rin kinakausap ang sarili ko. Haha! Dati kasi palagi kong kinaka-usap ang sarili ko. Ngayon, hindi na -- nag away kami. Haha! Pag si Prince naman ang nasa banyo, nagiging instant recording studio ito.

Kumakanta din naman ako. Pang recording artist nga ang ganda ng boses ko pag nasa kwarto eh. Pag nasa banyo naman, para akong international pop superstar. Pero pag sa stage na o sa harap ng maraming tao, I sound like a dying cow.

Nakahiga parin ako at naka tingin lang sa kisame. May oras pa 'ko matulog uli, pero hindi na ako inaantok. Ano naman kaya ang gagawin ko?

Magluto kaya ako? Nah! Wag na. Prito-prito lang naman ang alam ko. Natutuyo na din yata utak ko sa kakakain ng pancit canton tsaka sunny side up na itlog. Si Prince ang marunong magluto samin, tamad nga lang.

Kape? Mahilig ako dun. Nakaka tatlong tasa nga ako minsan sa isang araw. Pero ayaw ko ng mga 3in1 na kape, o frappe, o kape na may halong creamer o gatas. Gusto ko yung brewed o americano, o kahit simpleng black coffee lang, ayos na sakin. Ayaw ko kasi ng matamis na kape. Yung sakto lang. 

Bumangon na ako't umupo sa kama. Hmmm. Magligpit kaya ako? Maglinis? Ay, wag na. Ewan. Pasensya na, magulo lang talaga ako.

Tamad ako sa mga gawaing bahay. Nung una, ayaw ni mama pumayag na mag dorm ako. Di raw ako marunong mag luto, mag laba. Wala akong alam sa mga gawaing bahay. Di kami mayaman ah, basta di lang ako sanay sa mga gawaing bahay.

Dati, umuuwi talaga ako samin araw-araw pag tapos ng klase. Mahigit isang oras din ang byahe pauwi. Nang sumali na 'ko sa pep squad, medyo nahirapan na akong umuwi kasi gabi na nga lagi natatapos ang practice at delikado na. Kaya pumayag na lang si mama na mag dorm ako, pero gusto niya magkasama kami ni Prince.

Ngayon, si mama na lang at ate ang magkasama sa bahay. Dalawa lang kaming magkapatid. Nurse ang ate ko at dun lang sa hospital sa bayan siya nagtatrabaho. Si papa naman, matagal nang sumakabilang-bahay. Tama! Sumakabilang-Bahay. May iba na siyang pamilya eh. Tanggap naman na ni mama at maging kami ni ate.

Matagal din akong naupo sa kama sa pag-isip kung ano ang magandang gawin. Napatingin ako sa kalendaryo sa pader.

Yes, Friday na pala!


* * *


Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Место, где живут истории. Откройте их для себя