Chapter 28

6.8K 207 27
                                    

K E V A N



"Huy!"

Bumalik ako sa wisyo ko nang marinig ko ang boses ni Kent. Parang first time ko siya ata narinig mag "huy" at ang cute talaga ng accent niya. Andito kami ngayon sa gym para sa first day ng basketball training ko sa kanya. Maaga pa at inaantok pa ako.

Ang dami nang sinabi ni Kent kaso parang di ko naman lahat na intindihan. Antok pa talaga ako at kulang pa siguro sa kape. Suot-suot ko ang kulay blue na Jersey na hiniram ko pa kay Prince. Eh wala akong Jersey eh. Medyo awkward at hindi ako sanay nang naka ganitong attire.

Bagay na bagay naman kay Kent ang suot nitong kulay green na Jersey. Lalo pang tumingkad ang kaputian niya dahil sa kulay ng suot niya.

Buti na lang at napapayag siya naming i-train ako mag basketball. Kaya ito, maaga pa kami sa gym ng school para direcho na lang sa klase namin pagkatapos ng training.

Medyo madami na siyang tinuro sa akin, kaso di ko naman siguro agad ma-aabsorb ang lahat ng yun. Kakatapos niya lang mag demonstrate ng lay-ups. Lay-ups ba tawag dun? Ah basta! May mga rules and violations na rin siyang sinabi. Ang daming chechebureche ng basketball!

"Okay next is ball handling, may mga rules ka na dapat tandaan."

Napasimangot ako habang nakikinig lang sa sinasabi ni Kent. Kaso di ko talaga ma absorb. Tuyong-tuyo pa yata ang utak ko ngayon. Salita lang siya ng salita habang nagpi-pretend akong naiintindihan ko ".....and knowing Jansen, he is quick at kaya ka niyang i-steal nang di mo nararamdaman. So you need to do good."

Nang marining ko ang pangalan ng tukmol, parang bigla akong nakaramdam ng kung ano sa loob ko. Kailangan kong mag concentrate dito, kailangan kong mag training ng mabuti. Kailangan kong manalo. Kevan, umayos ka!

Medyo maliwanag na sa labas. Siguro mag aalas-sais na ng umaga at maya-maya lang ay madami nang estudyante at atleta ang gagamit din ng gym. Tunog ng bolang dini-dribble at shino-shoot, at boses lang namin ni Kent ang umaalingawngaw sa buong gym.

"So, ang next kong ituturo sa 'yo is jump shot." ika niya.

Tumaas ang kilay ko. Kung ano-ano naman ang na-imagine ko nang sinabi niyang jump shot. Ishu-shoot ang bola habang nag to-toe touch? O herkie? O Pike? Ganon? Wah!

"Basketball muna isipin mo, Kevan!" saway ko sa sarili.

"Pag nasayo na ang bola, hold it firmly. Your right hand holds the ball, while your arm is at an arch, then your left hand lightly assists the ball," pahayag ni Kent at lumapit ito sa may bandang likuran ko.

Binigay niya sa akin ang bola, at dahan-dahang inangat ang mga braso ko patungo sa tamang position na sinasabi niya. Hindi ko maintindihan pero parang may kuryenteng dumaloy sa mga kamay ko nang hinawakan ni Kent ang mga braso ko. Napasinghap ako pero agad kong pinigilan para hindi mahalata ni Kent. Ang weird! Biglang kumalabog ang dibdib ko.

Nasa likod ko siya. Sobrang lapit niya sa akin at hawak parin niya ang mga braso ko na inaalalayan sa tamang position ng paghawak ng bola. Nararamdaman ko ang init na lumalabas sa katawan ni Kent, maging ang hininga niya na kumikiliti sa likuran ng leeg ko kapag nagsasalita siya.

"Ang bango ni Kent kahit pinagpapawisan," sa isip ko at napakagat na lang ako ng labi ko.

Hindi ko maintindihan bakit ganito yung nararamdaman ko. Ang lapit niya sa akin pero bakit parang gusto kong lumapit pa siya sa 'kin lalo? Yung pakiramdam na gusto kong sumandal sa dibdib niya.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now