Chapter 48

6.7K 254 121
                                    



Hello!

Gumawa po ako ng Facebook account under Kevan's name. Just search Kevan Villarin, or you can use the link on my profile.

Shout out to Ate My ( xakni_allyM ) sa pag convince sa akin gumawa ng account, haha!

Anyway, this update is just a bit shorter compared to my previous updates. Hope you'll like it just the same.

😈



* * *


J A N S E N



Di ko alam kung tama ba naging decision kong pumayag sa hiling ni Tita Carmela na samahan ko si Kevan sa dorm. Di ko alam kung paano niya ako nakumbinsi. Siguro nakita ko kasi ang concern sa mga mata niya nung kinausap niya ako. Na gusto lang daw niya masiguradong may kasama palagi si Kevan, na may titingin daw sa kanya lalo na kapag may emergencies at kung ano-ano pa. Alam naman daw niya na kaya na ni Kevan, pero iba parin daw yung kampante siyang may kasama ito.

Sa totoo lang, di naman talaga dapat ako papayag, pero di ko alam kung bakit ako napa "oo". Di ko nga din alam kung bakit ang gaan ng loob ko kay Tita Carmela eh. Mabait naman talaga siya, at sinabi niya ding magaan ang loob niya sa akin. Sa katunayan, medyo naiinggit nga ako kay Kevan. He's got the coolest mom I could possibly ask for. Unlike my mom...haay, ayoko nang isipin pa yun.

Mukhang okay naman sa dorm eh. Truth is, mas nakaka galaw ako sa dorm compared dun sa bahay nila Kent. Ewan... Kahit ang tagal na ng pinagsamahan namin ni Kent, at matagal na akong kilala ng parents niya, eh nahihiya parin naman ako sa kanila. Kaya siguro pumayag na rin agad ako kay Tita Carmela. Medyo napatagal na din ang libreng stay ko sa bahay nila Kent.

Ang bilis lang lumipas ng mga araw at ang dami nang nangyari. Parang unti-unti na akong nasasanay na sa ganitong routine araw-araw. Pero tangina, ayokong masanay! I'm always looking forward to the day that all of this will be over.

Bigla kong naalala ang usapan namin ni Coach Ron nang pinatawag niya ako sa kanyang opisina...

"Good job, Guevara!" seryosong bati ni Coach Ron pagka-pasok ko pa lang ng office.

Tagal na din since huli akong nag-punta dito. Mahigit isang buwan na nang nag-umpisang gumulo ang buhay ko. Akalain mo yun? Naka survive ako ng mahigit isang buwan na sanction sa pep squad!

He motioned towards the empty seat in front of him. Pilit na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya bago ako umupo sa silya.

"I've been hearing favorable feedback from Coach Jun and Mr. Villarin," pahayag niya. Napakunot lang ang noo ko. "Keep it up at baka mapa-aga pa ang pag-tapos ng sanction mo."

Parang nabuhayan ako ng loob sa narinig ko kay coach. Pero "favorable feedback"? Ano naman kaya yun? Nag-pangalumbaba si coach sa mesa at seryosong nakatingin sa akin.

"So kamusta?"

Tangina. Di ko yata alam kung pano sagutin ang tanong ni coach. May konting tampo at medyo naiinis parin ako sa kanya dahil sa kagagawan niyang 'to. Pero parang natutuwa din ako na muling makausap si coach. Tangina, miss ko na mag-basketball kasama ang team!

Di ko talaga alam ang isasagot ko sa tanong niya. Ang alam ko lang, di ako okay. At kailanman, di ako magiging okay hanggang di ako nakakabalik sa basketball team.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now