Chapter 36

7.2K 241 52
                                    

J A N S E N


Ang sakit ng katawan ko, pvtang inaaaaaaa!!!

Para akong nabundol ng tatlumpung toro, na parang gumulong ako pababa ng Mt. Everest. Pakiramdam ko halos magka lasug-lasog na ang katawan ko. Di ko maigalaw ang mga binti ko, ang sakit ng mga braso ko, at parang nanigas ang balakang ko, aaarrrrggghhh! Pvtang-nang baklang Timmy kasi yun! Kung maka tulak sa likod ko, parang wala nang bukas.

Pakiramdam ko napunit ang mga muscles ko lalong-lalo na sa binti at singit. Kung di lang nakatingin ang coach nilang bading, sangkaterbang tadyak na ang inabot nung baklang yun sa 'kin. Aarrgghh!

Matapos ang unang gabi ko sa training ng pep squad, pakiramdam ko kelangan ko nang maisugod sa emergency room. Tang-na talaga! Pwede bang lumaklak ng anesthesia? Stretching pa lang grabe na eh!

Matapos ang practice kagabi, nauna na 'kong umuwi sa bahay nila Kent. Tang-na, first time ko yatang na pagod ng ganon. Kung pwede lang sanang umuwi ng naka wheelchair! Naasar lang ako ng konti kay Kentoy-- pinagtawanan ba naman ako? Kung siya kaya sa kalagayan ko?!

Di ko masasabing naging okay ang unang gabi ko. No comment na sa stretching. Parang di lang ako masyadong komportable na pakiramdam ko ang daming matang nakatingin sa akin, lalo na ang mga babae at mga binabae.

Sa tumblings? Well, to be honest, na enjoy ko ng konti. Ang sarap sa pakiramdam pag umiikot ka sa ere. For a split second, para narin akong lumilipad. Kung anong back-back ang mga sinasabi nilang tawag sa mga skills. Para sa akin, backflip na lahat yun! Basta yun na yun!

Sa toss naman, tang-na, aaminin ko natataranta ako! Kung di siguro ako natabig palayo ng isang ungas dun, baka nagka-pasa o nagkabukol na ako. Matapos naming maihagis ang flyer pataas, parang nag slow-motion ang lahat at nakalimutan ko na ang gagawin. Nakatunganga lang akong nakatingin habang pabagsak na ang flyer sa amin; hanggang sa tinabig ako ng lalaki at siya na lang yung sumalo.

Potek, pare! Nai-imagine mo ba pano ihagis sa ere at saluhin ang isang sakong bigas? Tang-na lang eh no?!

Ang dami nilang binanggit na mga cheerleading terms na di ko naman na tandaan. Nagtaka lang ako kung bakit pati pyramids sa Egypt dinamay? Merong mga scorpion daw eh. Tapos bow and arrow ba yun? Ah basta, ganon yun! Isa lang talaga masasabi ko – ang cheerleading ay pambakla! Pvtang-na!

Sobrang sama ng gising ko, shit! Mas pipiliin ko pa ang malalang hangover kesa sa ganitong sakit ng katawan. Pesteng buhay 'to! Bakit ba kasi humantong ang lahat sa ganito? Kung di lang dahil sa basketball at sa scholarship ko eh, haayy. I was left with no other choice.

Matagal na akong tulalang naka tingin sa kisame habang naka higa sa kama. Bumalik lang ako sa wisyo nang tumunog ang cellphone ko. Sinubukan kong abutin kung saan ko ito pinatong ngunit di ako makagalaw ng maayos. Aarrgghh!

Nang makuha ko na ang cellphone ko matapos ang matinding paghihirap, napasigaw naman ako sa nabasa kong message at naihagis ko ang cellphone ko na siyang lumagapak sa sahig. "Tang-na!!!"

Aga-aga, text message agad ni Coach Ron ang pambungad, "Day 1 out of 90. Way to go, Guevara! Remember what's at stake."

Haayy. Nagbakasali kasi ako na pag gising ko, okay na ang lahat, balik sa normal, na masamang panaginip lang ang nangyari. Pero, hindi. Every inch of my body hurt as though I was under a giant rolling pin. My sore muscles have become a reminder that this is the reality, my new reality.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now