Chapter 45

7.9K 284 105
                                    

J A N S E N

"Hello, Mahal!"

Nagulat kaming tatlo nina Kent at Kevan sa bati ng dumating na lalaki. Actually, kanina ko pa siya napapansin na patingin-tingin. Hanggang sa lumapit na nga siya sa table namin. At kung tama ang dinig ko, tinawag niyang "mahal" si Kevan. What the fuck?!

"Di ako nag expect na dito pa kita makikita," dagdag pa ng lalaki.

Tangina, kilala ba ni Kevan 'to? Parang confused ang mukha ni Kevan kaya di niya siguro kilala 'to. Baka nagkamali lang ang lalaki at napagkamalan lang na kung sino si Kevan.

"J-Jed?!" gulat na sabi ni Kevan. "A-anong—bakit ka nandito?"

Jed?! Tinawag siyang "Jed" ni Kevan — ibig sabihin magkakilala sila!? The guy beamed his bold, arrogant smile the moment Kevan called him by his name. Napatingin ako sa kumag at bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagtataka. Pero tangina! Di ko in-expect ang sunod kong nasaksihan! Halos sabay kaming napanganga ni Kent nang bigla na lang humalik yung Jed sa pisngi ni Kevan!

Kitang-kita ko ang pagka-gulat nito at napahawak ka'gad siya sa kanyang pisngi. Dahil sa gulat, nabitawan din ni Kent ang hawak niyang tinidor na siyang bumagsak sa plato, habang natigilan din ako sa nakita ko.

"Haha! Sorry, na miss lang kita," natatawang sabi ni Jed sa na-estatwang si Kevan. "At masaya akong makita ka!"

Di ko alam ang magiging reaksyon ko. Bigla na lang hinatak ni Jed ang silya sa kabilang mesa at umupo sa pagitan nina Kent at Kevan na wala man lang pasabi. Napa kunot-noo si Kent at matalim na tiningnan ang biglang sumiksik sa kanyang tabi.

"Wh-who are you?" biglang sambit ni Kent, bakas sa mukha ang pagtataka.

I know Kent too well that I easily noticed a hint of annoyance in his voice. Napatingin sa kanya si Jed at napangiti. Pero di niya pinansin ang tanong ni Kent dahil agad nitong binalik ang tingin kay Kevan na nakahawak parin sa pisngi. Teka, parang ang kupal ng lalaking 'to ah!

"Kaya pala di mo 'ko pinapansin. May lahi pala ang type mo!" direchong sabi ni Jed kay Kevan na ikinagulat uli nito. "Jowa mo noh?"

Parang pumantig ang tenga ko sa narinig. Jowa? Ni Kevan? Si Kent? Aba, gago 'to ah! Seryosong nakatingin lang si Kent sa kanilang dalawa.

"Ha?! Hi-hindi!" mabilis na sagot ni Kevan, kapansin-pansin ang pag-pula ng kanyang pisngi.

Tumango-tango lang si Jed at bigla namang napatingin sa akin.

"Eh siya?" tanong uli ni Jed, na alam kong ako ang tinutukoy. "Siya ba?"

"H-hala! Hind—ano bang pinagsasabi mo?!"  takang tanong ni Kevan.

Putang ina?! Ako pa?! Teka, parang inaano ako nito ah. Tumingin uli ito sa akin at parang may kung ano sa mga tingin niya na di ko maintindihan. Pero di ko alam kung bakit parang gusto ko siyang tadyakan.

"So ibig sabihin, single ka ngayon?" parang excited na tanong ni Jed.

Napatingin muna si Kevan kay Kent bago binaling ang tingin sa akin. Mukhang natataranta ito at uneasy sa mga tanong ng gagong Jed.

"Ah.. Eh.." lang ang tanging nasabi ni Kevan. Dahil hindi ko na napigilan ang inis ako, bigla akong napatanong...

"Teka, pare. Sino ka ba?!"

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now