Chapter 38

8.4K 274 77
                                    

J A N S E N

I'm a head turner, I know. Sanay na akong pinagtitinginan ng mga tao pag dumadaan – mapa babae man, lalaki, at lalong-lalo na ng mga bakla. Di na ako naninibago pa sa atensyon na nakukuha ko lalo na dito sa school.

Marami akong nakasalubong na estudyante habang naglalakad ako sa hallway papuntang gym — halos lahat napapatingin sa akin. Sila pauwi na. Ako? Tang-nang pep squad practice na naman! Ang tagal pa ng penetensya ko! Medyo naka-adjust na ang katawan ko, pero pvtang-na talaga! Kung pwede ko lang i-fast forward ang oras eh. Haayy.

Taas-noo akong naglalakad sa hallway. Naasar lang ako bigla nang makasalubong ko ang bading na kumikembot at sobrang kapal ng colorete sa mukha. Pvtang-nang bakla! Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at parang lumiwanag ang kanyang mga mata. Lam mo yun? Yung tingin na parang may pagnanasa. Ewan pero agad kumulo ang dugo ko kaya sinadya kong bungguin ang balikat niya ng malakas na ikinagulat niya.

"Aray!" sigaw niya at tinaasan niya ako ng kilay.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan naman niya ako ng mata sabay ayos ng kaniyang damit.

"Problema mo?! Kaloka!" pagtataray niya. Tang-na! Boses gansa! Nakakaasar!

"Problema ko? Yang pagiging bakla mo!" sa isip ko.

Di ko na pinansin at maglalakad na lang sana ako palayo nang narinig ko na parang may sinasabi pa siya. Di ko man naintindihan, nilapitan ko siya at bigla siyang kwinelyohan. Tinulak ko siya ng may kalakasan kaya naman nalalaglag sa kamay niya ang mga hawak niyang libro. Agad ko namang sinipa ang mga ito kaya tumalbog sa malayo.

Nagkatinginan kami saglit pero mukhang na sindak na siya sa ginawa ko. Wala na siyang nasabi at isa-isa na lang pinulot ang mga libro. Napatingin naman ang mga ibang estudyante sa hallway pero di ko na pinansin.

"Good evening, Jansen!" masayang bati ni Kevan pagka pasok ko pa lang ng gym.

Nakapagsimula na siyang mag stretching at bakas sa mukha niya na parang masaya siya, habang nakataas-kilay na Timmy naman ang nasa kaniyang tabi. Siguro nagtataka yun sa unusual na masayang salubong sa 'kin ng kumag.

"Hmmppff! Sungit!" rinig kong sabi ni Kevan.

Di ko kasi siya pinansin at dumirecho lang akong naglakad patungong locker. Isa pa yang kumag na yan! At isama mo din ang Timmy. Sarap nila dalawang pagbuhulin.

Matapos kong makapag-palit ng damit, agad na akong nag stretching sa kabilang dako ng gym malayo sa kumag. Kaso inaasar yata talaga ako ng ungas dahil napansin kong lumapit siya at nagpatuloy sa pag-streching sa tabi ko.

"Sabayan kita mag stretching!" ika niya na nakangiti.

Kunot-noo akong tumalikod at humarap sa kabilang direksyon. Ayokong ma badtrip lalo sa pagmumukha niya. Di ibig sabihin na dahil nag sorry siya sa 'kin eh makikipag-kaibigan na ako sa kaniya. Di ganun yun!

Di ko talaga gets kung bakit siya nag sorry sa akin, eh ako pa nga ang daming nagawang masama sa kaniya. Pero ako magso-sorry sa kaniya? No way. I'll never apologize to Kevan. In fact, in my entire life I have never apologized to anyone.

"Mali yan! Dapat ganito–" pag-correct niya sa akin habang nagsi-stretching.

"Tang-na, tantanan mo nga 'ko!" sa isip ko.

Pinakita niya sa akin ang tamang pag-stretch sa mga binti pero blangkong tingin lang ang tugon ko sa kaniya. Nag patuloy na lang ako sa pag stretching na di siya pinapansin.

Kalaunan, nag simula na kaming mag practice ng mga tumblings. At patuloy parin ang kumag sa pag gambala sa'kin. Nag start ako sa basic tumblings gaya ng cartwheel at roundoff - na tama naman daw pag execute ko pero... ang daming pero pero! Nakakaasar! Argh!

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now