Chapter 39

8.4K 249 113
                                    

K E V A N


Mmmhh ang lambot ng kama. Ang lambot ng unan. Napaka aliwalas sa pakiramdam. Napasinghot ako. Mmmhh ang bango. May naaamoy akong mabango at parang ang lapit nito sa ilong ko. Mmmhh ang bango talaga. Alam mo yun? Yung parang bagong ligo na ang fresh, at samahan mo pa ng napakabangong perfume.

Napasinghot uli ako. Ano kaya ang amoy na yun? Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Hala! Namamalikmata yata ako?!

"Luh! A-anong ginagawa niya dito?" bulong ko sa sarili.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko hanggang sa nag focus na ang paningin ko sa mukha niya. Naka higa siyang patagilid sa tabi ko, at ang lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. Malagkit ang tingin niya. Mas malagkit pa yata sa natuyo kong laway ang kanyang tingin.

Luh! Bakit siya nandito? Nananaginip yata ako.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para hawakan ang pisngi niya. Agad kong naramdaman ang init ng malambot at makinis niyang mukha. Biglang uminit ang pisngi ko at parang nagising ang diwa ko nang ma-realize kong di lang 'to guni-guni. Takte! Totoo talagang nasa tabi ko siya, at siya pala yung mabangong naaamoy ko! Napangiti siya lalo sabay hawak sa kamay kong nasa pisngi niya.

"Good morning, Kevan ko..." bati niya gamit ang kaniyang malamig na boses at nalanghap ko agad ang hininga niyang amoy mint.

Halaaaa! Tatanggalin ko na sana ang kamay ko sa pisngi niya pero pinigilan niya at lalong diniin sa mukha niya. May pa pikit-pikit pang nalalaman ang mokong.

"I wanted to be the first thing you see when you wake up today," dagdag pa niya nang nakangiti.

Packing tape! May kung anong sensation akong naramdaman sa aking kalamnan. Di ako agad naka sagot. Loko-lokong 'to! Aga-aga, kung ano-ano na ang pinagsasabi! Mukhang maganda ngayon ang gising ni Kent.

"Good mor –" di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla kong tinakpan ang bunganga ko.

"Haaaahh.." buga ko sa kabilang palad ko kaya naamoy ko agad ang aking amoy alcohol na morning breath.

"Gmmrrnng!" pag-mumble ko.

Napatawa lang siya. Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya, kaso parang ayaw pa niyang bitiwan. Kaya naman tinangka kong kagatin ang kamay niya na nagpa-bitiw agad sa kanya.

Lalo lang nangiti ang mokong sabay tanong, "How's your sleep?"

"Uhhmm uhmmmm hmmm," pag-mumble ko uli, pero wala naman talaga akong sinasabi. Tumaas naman ang kilay niya.

"Huh? Hungry?"

"Hmmm..." umiling ako, pero may sa ewan lang talaga 'tong tiyan ko. Pag nakakarinig lang ng anything na may kinalaman sa pagkain, agad tutunog 'to.

"Of course, you are..." sabi niya at mahinang tumawa. Eeerrr, ang sarap pakinggan ng tawa niya.

"Te-teka. Bakit nga ba andito siya?" takang tanong ko sa sarili.

Inikot ko ang mga mata ko sa paligid. Hala, hala, hala! Alam ko ang kwartong 'to. Pakshet, nasa kwarto ako ni Kent! Kaya pala ang lambot ng kama at ang aliwalas sa pakiramdam. Siguro nabasa niya ang confusion sa mukha ko.

"We were dead drunk last night. I'm not sure how we got here, but Jansen took us home," pahayag niya.

Haaaaaaa?! Sheeeeeeet!!

Dahil sa kalasingan, wala na ako masyadong naaalala. Gagong Louie kasi yun eh! Lahat na lang pinapa-shot sa 'kin. Wala na akong maalala masyado sa nangyari. Basta tanda kong lasing na nga ako nang nagpunta ako ng banyo, tapos nandun din yata si Jansen, tapos may isang lalaki. Tapos... Tapos... Ewan... Di ko na maalala. Ang importante ay nakauwi kami. Pero pakshet lang, dito na naman ako sa bahay nila Kent.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now