Chapter 53

648 31 28
                                    

K E V A N


Bakit ang lamig? Naka full blast ba ang aircon? At naka-ON din ba ang electric fan?

Ang lamig talaga. Naka kumot naman na ako, pero ang lamig parin, sobra. Yung lamig na parang hampas ng alon. Nawawala ng ilang segundo, tapos biglang hahampas na naman uli.

Nanginginig ako sa lamig. Pero di ko kayang bumangon para patayin ang aircon, o kumuha ng mas makapal na kumot sa cabinet. Wala akong lakas para bumangon.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may pumupukpok ng martilyo sa ulo ko.

Tapos yung parang nabibingi ako, yung parang may tubig sa tenga ko— di ko marinig ng maayos ang buga ng aircon, pati yung tiktak ng orasan na usually naririnig ko naman, o kahit yung hilik ni Jansen sa kabilang kama. Wala. Wala talaga.

Pero parang biglang nabawasan ang lamig na nararamdaman ko.

Parang may nag latag ng isa pang kumot sa katawan ko.

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Napakabigat. Ang labo nang paningin ko. Ang dilim ng paligid.

May taong naka tayo sa gilid ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Hindi siya nagsasalita.

Sinubukan kong magsalita. Walang boses na lumalabas. Nilapat niya ang daliri niya sa labi ko. Tapos kinapa niya ang noo ko.

Naglagay uli siya ng isa pang kumot. Nabawasan na ang lamig kahit papaano.

Umupo siya sa tabi ko. Naramdaman ko ang basang bimpo na pinatong niya sa noo ko.

Inangat niya ng konti ang ulo ko, binuka ang bunganga ko at may tabletang tinulak. Pinainom niya ako ng tubig mula sa basong may straw.

Dahan-dahan niyang pinatong ang ulo ko pabalik sa unan.

In-adjust ang basang bimpo sa noo ko, pati narin ang kumot sa katawan ko.

May pumupukpok parin sa ulo ko at napakabigat parin ng pakiramdam ko.

Ang bigat ng mga mata ko...

May mga boses akong naririnig. Parang nagtatalo. Pamilyar sa 'kin ang mga boses.

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Madilim ang paligid. Bahagyang naka bukas ang pinto at may taong naka tayo na parang humaharang sa taong nakatayo sa labas. Di ko marinig masyado ang kanilang usapan, pero parang may pinagtatalunan. At ilang beses ko narinig ang aking pangalan.

Boses ni Kent.

Boses ni Jansen.

Boses ni Kent.

Nagsasagutan.

Narinig ko na naman ang pangalan ko.

Padabog na sumara ang pinto.

* * *

Maliwang na nang magising ako. Inikot ko agad ang mata ko sa kwarto. Pasado alas diyes na ng umaga pag tingin ko sa orasan.

Nasa dorm na pala ako. Nakita kong tulog din si Jansen sa kabilang kama. Pero hindi ko maalala kung pano ako nakauwi. Pagkakaalam ko, naghihintay kami ni Jansen kay Kent. Pagkatapos na pagkatapos ng Cheer Camp kahapon, parang rumaragasang baha na sumama ang pakiramdam ko. Naalala kong natulog ako sa may hagdan ng gym dahil sa sama at bigat ng pakiramdam ko habang hinihintay si Kent na sunduin kami.

Sinubukan kong bumangon, pero ang bigat parin ng pakiramdam ko. Narinig yata ako ni Jansen kaya mabilis siyang tumayo at tinulungan akong bumangon. Parang naalimpungatan lang siya kaya naniningkit pa ang mga mata niya at parang dinaanan ng bagyo ang buhok.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Where stories live. Discover now