Chapter 54

554 33 16
                                    

J A N S E N


Storbo. Sino naman kaya 'tong kumakatok nang ganitong oras ng gabi? Argh!

Nagising ako nang narinig kong may kumakatok sa pinto. Hayaan ko na lang, aalis din yan. Tinatamad na 'kong bumangon eh. Naka off na din ang mga ilaw sa buong kwarto kasi pareho na kaming natulog ni Kevan.

Haay, kapagod 'tong araw na 'to. Parang sumakit din ang katawan ko kaka buhat kay Kevan. Pero okay lang. Ang importante ay nagpapahinga na siya ngayon at naka inom na ng gamot. Pagka-uwi namin, I immediately called Tita Carmela para ipa alam sa kanya na nilalagnat si Kevan. Hanggang pati si Ate K nakausap ko na din.

So ayun, sunod-sunod na ang mga instructions niya kung anong gagawin. Naalala ko namang nurse nga pala si Ate K. Binigyan pa 'ko ng listahan kung anong meds ang ipapa-inom, anong oras, pati na rin mga favorite food ni Kevan. Parang bigla naman akong naging yaya nito. Pero di naman ako nagrereklamo – umalis na din naman ako agad para bilhin ang mga binilin ni Tita Carmela at Ate K.

Tama nga ang sinabi nila. Bugnutin masyado si Kevan kapag may sakit at gustong matulog lang. Good luck daw kung kaya kong pakainin, eh di daw kasi talaga kumakain yun pag may sakit. Hayaan ko na lang dawgugutumin naman siya kinabukasan at siguradong kakain din.

Narinig kong kumatok uli.

Argh! Di pa talaga umalis! Tigas ng mukha nito ah, kainis!

Kaya bumangon na lang ako at agad tinungo ang pinto. Isang mata ko lang ang nakadilat, antok pa kasi ako, at wala pa sa wisyo. Pag-bukas ko ng pinto, sinalubong ako ng naka-ngiting si Kent na may dala pang mga cakes at frappuccino. Ewan ko, pero parang inis lang ang naramdaman ko after ko makita si Kent. Tahimik lang ako habang si Kent naman ay nakatingin sa loob ng kwarto, parang may hinahanap.

Anong oras na, bakit andito pa siya?

"Bro, I'm really really sorr—" umpisa niya, pero di ko na siya pinatapos. Wala na 'kong energy, gusto ko na lang bumalik sa pagtulog.

"Kevan is sick. Tulog. Ako pagod. Bukas na lang 'to please?" sabi ko, akmang isasarado ang pinto, pero bigla niyang pinigilan.

"Kevan is sick?" rinig ko sa boses niya ang pagka taranta.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya. Pero parang ang short ng temper ko ngayon. Biglang uminit ang ulo ko.

"W-what happened? Is he okay? Where is he? Wh—"

"Tulog na siya. Nagpapahinga na," pag putol ko sa kaniya. Andaming tanong!"Bukas na lan—"

Di ko din natapos ang sasabihin nang bigla niyang winaksi ang kamay ko at akmang papasok ng kwarto, pero parang may sariling utak din ang kamay ko na pinigilan siya bigla.

Di ko alam bakit ako naiinis. Siguro dahil naalimpungatan lang ako. Or baka pagod o antok lang talaga ako. Grabe yung inis ko. Ewan. Basta ang alam ko, kelangan na niyang umalis!

"Bro, go home. Kailangan niya ng pahinga. Bukas na lan—"

"No, bro. I need to know if he's okay. Let me in!" napalakas ang boses ni Kent.

Nagulat ako sa pag taas ng boses niya, pero tumingin lang ako sa kanya ng direcho, "Kent, please. Pagod din ak—"

Bigla niyang winaksi uli ang kamay ko sabay sabing, "I want to see Kevan."

Pero hinarangan ko uli siya. Sa isip ko, "Tulog na nga si Kevan! Kailangan niya ng pahinga. Hindi ko hahayaang storbohin mo pa siya."

"Bro, I need to see Kevan. I need to know if he's okay."

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon