Chapter 30

7.3K 241 65
                                    


K E V A N

"Arghh! Ano ba!?" nahimasmasan ako nang may tumamang bagay sa mukha ko.

"Bingi ka lang talaga o nagbibingi-bingihan?" galit na boses ni Prince.

Agad namang nagising ang diwa ko at rumihistro sa utak ko ang malakas na tunog ng alarm clock. Hinablot ko ang cellphone sa bedside table at pinatay ang alarm.

"Sorry na po!" sagot ko kay Prince.

Nagagalit talaga siya pag na iistorbo ang tulog niya at unan ang paborito niyang pang hampas sa 'kin. Eh sa hindi ko narinig ang tunog ng alarm eh.

Eeerrr! Antok pa 'ko! Tiningnan ko ang oras at 6:07 am pa lang. Di ako masyado nakatulog kagabi kakaisip sa mga bagay na pwedeng mangyari ngayong araw. Kung kahapon ay medyo malakas ang loob ko, ngayong nalalapit na ang pagtutuos namin ni Jansen ay parang naduduwag na 'ko.

Maya-maya'y tumunog ang cellphone ko at nakita kong may bagong message galing kay Kent.

"Wake up, sleepyhead! Big day today! :) "

Bigla namang kumalabog ang dibdib ko nang magsink-in sa akin ang mga sinabi ni Kent.

Big day today. Big day today. Big day today!

Paulit-ulit lang ito sa isip ko. Ito na yun. Ito na ang araw na pinaghandaan ko – namin ni Kent. Pero ano 'tong mabigat na nararamdaman ko? Parang nanlalamig ako't nanghihina ang mga tuhod ko?

Nakatitig lang ako sa screen ng phone, di alam ang isasagot kay Kent. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang bigat ng mga bumabagabag sa damdamin ko. Excitement. Takot. Halo-halo na. Bakit pa kasi ako pumayag sa ganito? Bakit ko pa ba kasi pinasok 'to?

Nakatitig lang ako sa cellphone ko. Lumipas ang ilang sandali, bigla na naman akong nakaramdam ng pagtama ng unan.

"Kevaaaan!!! Alaaaarm!!!"

Na snooze ko lang pala yung alarm. Biglang nag ring ang phone at tumambad sa screen ang nakangiting picture ni Kent. Naka ilang ring na pero di parin ako makapag decide kung sasagutin ko ba 'to nang biglang....baaaaaaam!!

"Aray! Nakakarami ka na ah!" napasigaw ako't napatingin kay Prince.

"Sasagutin mo ba yan o babatuhin pa kita ng lamp shade?" Di ko na pinansin si Prince at sinagot na lang ang tawag ni Kent.

"Good, you're awake!" excited na sabi ni Kent sa kabilang linya. Ramdam ko ang excitement sa boses niya. "Ready?"

"Ah...eh..."

"Good! See you in a few!" di na 'ko naka sagot nang binaba na niya ang tawag.

Napahalupaypay ako sa kama at blangkong nakatingin sa kisame. Wala talaga akong gana ngayong araw. Ang bigat ng pakiramdam ko, at parang gusto ko na lang tumihaya sa kama buong araw. Lalo namang lumakas ang kalabog ng dibdib ko.

Ilang sandali pa ang lumipas, inipon ko ang lahat ng lakas ko para bumangon at agad na tinungo ang banyo. Para naman akong zombie kung maglakad. Pagpasok sa banyo ay naghubad na ako at napa-upo lang sa toilet bowl.

Wag na kaya ako sumipot? Ano naman kaya ang idadahilan ko? Sabihin ko na lang kaya na masama ang pakiramdam ko? O di kaya may emergency sa bahay na kailangan kong umuwi. Ano pa kaya ang magandang dahilan? Pero ano naman ang sasabihin nila sa akin? Ni Kent? Ni Jansen? Ng mga kasama ko sa pep? Na duwag ako? Na wala ako isang salita?

Di ako natatakot kay Jansen! Natatakot akong mabigo. Ang laki ng expectations sa akin ng mga kasama ko. At natatakot din ako sa kung ano mang consequence ni Jansen sa akin. Aminado naman ako na wala akong panlaban sa kaniya pag basketball ang pinag-uusapan. Alam kong suicide mission 'to. Di ko talaga alam kung bakit ako napapayag nina Timmy na makipagpustahan ng ganito. Napabuntong hininga ako.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon