Prologue

13.5K 309 6
                                    

***Prologue***

WARNING!🔞: Matured content

Read at your own risk.

HINDI AKO mayaman pero heto ako ngayon, nagpapakalunod sa alak sa isang mamahalin na club. Hindi ko nga rin alam kung paanong nakarating ako rito, ang huling naaalala ko ay nahuli ko ang bestfriend ko na nakikipag-date sa lalakeng alam niya na napupusuan ko. Ang malala pa do'n ay sasagutin ko na si Brayl ngayong gabi pero ang loko, nag-sawa na ata sa panliligaw kaya doon nalang sa bestfriend ko na easy to get pala.


Mahal ko siya at hindi ko inaasahang hindi pala marunong mag-hintay ang gago. We exchanged I love you's at 'oo'ko nalang ang kulang para maging kami na. Pero hindi ko inakalang easy to get pala ang gusto niya, 'di ako aware. Nakakatawa.

Sa lahat ng pwede niyang ipamalit, kaibigan ko pa na pinagkakatiwalaan ko. Bestfriend na nasa loob pala ang kulo.

Eh kung pakuluan ko kaya sila?! Mga gago!

Hindi man naging kami ni Brayl pero nasasaktan parin ako. Doble pa nga dahil pinagkaisahan ako ng dalawa. Sumabay pa ang pagkakasakit ni Lola tapos wala na akong trabaho! Ano nalang mangyayari sa buhay ko ngayon? Para akong patapon at walang kwentang tao.

Si Lola ay sobrang tanda na at hindi ko kaya kung mawawala siya dahil ang Lola ko ang natitirang pamilya na meron ako. Hindi ko alam kung nasaan na ang magulang ko at wala akong balak alamin. They are irresponsible. Iniwan nila ako kay lola para magawa ang mga gusto nila and I'm thankful. Dahil si Lola ang bumuhay at nagpa-aral sa'kin. At susuklian ko ang lahat ng 'yon habang nasa piling ko pa siya.

Hindi ko nga lang alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga gamot na kailangan niyang inumin. Naubos na ang pera ko kakahanap ng panibagong trabaho dahil natanggal ako bilang sekretarya. Binastos na nga ako ng among lalake at ako pa ang lumabas na mali dahil kumalat na kabit ako. Kinompronta at inaway pa ako ng misis niya.

Sa sobrang galit ay nasuntok ko ang dati kong amo at isang sampal para sa asawa niyang nang aakusa at mapang-mata palibhasa'y mayaman. Mabuti nalang at hindi ako nito kinasuhan kung hindi ay mas lalong mamomroblema ako at baka hindi ko na kayanin.

Pero ito nga ako ngayon, wala na ngang pera, umiinom pa. Order lang ako ng order kahit walang pambayad, bahala na kung ipahuli ako ng may-ari, gusto ko lang maka-limot kahit sandali.

Dumudoble na ang paningin ko pero pinilit kong tumayo para pumunta sa comfort room, para na rin makatakas. Pasuray suray na nag-lakad ako sa kung saan. Marami pa nga akong nabangga at ang iba ay sadya kong itinutulak habang natatawa.

Hindi ko na alam kung saan ako naka-rating. Mahaba-haba at may hagdan pa ang nadaanan ko. Liko ng ilang beses. Wala na akong alam sa tinatahak kong daan, basta nalang akong pumasok sa pinto na nakita ko pero hindi ito ang powder room. Medyo malabo man ang paningin pero nakikita ko parin na maganda itong kwarto. Sobrang lake at amoy lalake.

Pa'no nagkaroon ng ganito sa club? Tanga ba may ari nito?

Wala sa sariling nagpatuloy ako hanggang sa maaninagan ko ang kama. Bigla tuloy bumigat ang pakiramdam ko at gusto ko nalang magpahinga at matulog kaya iyon nga ang ginawa ko.

Pabagsak akong nahiga pero may kung anong matigas na bagay akong natamaan at kasunod no'n ay ang malakas na daing.

"Ugh! F*ck! Ang sakit!"hindi ako kumibo sa narinig.

Sa halip ay gumulong ako para harapin ang kung sino na 'yon na nagsalita and there he is... A hot guy with his grayish eyes. Parang biglang luminaw ang paningin ko at kinabisado ang itsura ng kaharap. Wala itong suot na pang itaas kaya labas ang magandang pangangatawan nito. Pumuputok ang maraming ugat sa braso at kamay. Maging ang walong pandesal nito ay nagsusumigaw at kumukuha ng atensyon. Malapad ang pangangatawan at sigurado akong kaya ako nitong dagaan hanggang hindi na ako makahinga.

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now