~38 Tears

2.3K 114 5
                                    

***Tears***

HINDI NA ako nag abala pang i-park ng maayos ang sasakyan ko at nagmamadaling tinungo ang nag iisang rest house sa lugar. Wala ito no'n at simula nang mawala si Thacia ay hindi ko na naisipan pang bumalik sa lugar na 'to.

Ayokong sariwain ang lahat...

Sa pinto ay may kung sino ang naka-tayo at hinihintay ako. Malayo man ay alam kong si Justine iyon. Matagal ko siyang naging kaibigan at kahit pa nagbago ng malaki ang pangangatawan at itsura nito ay alam kong siya iyon. Nang tuluyang maka-lapit ay sinalubong agad ako nito ng suntok sa mukha. Sinundan agad nito ng tatlong suntok sa sikmura na ikinatumba ko.


Ayokong lumaban. I just want to see my Ilheezsa and I'm not here to fight with him.

"Nasaan si Ilheezsa?"

"Shut up, f*cker!"sinipa ako nito sa t'yan.

"J-Justine... P-Please... Tell me. She's o-okay, right?"

"You have no right to ask! You k*lled my Girlfriend and I will do the same! I will make you suffer 'til you d*e."

"I-Ilheezsa... No, please... M-My Ilheezsa..."

Muli akong nakatikim ng dalawang sipa sa dibdib at tatlo sa hita. Hindi ako lumaban. Hinayaan ko lang ito na gawin ang lahat ng iyon. Pero ang iniisip ko kung nasaan si Ilheezsa.

I hope she's okay...

"Maraming nakakita sa'yo! Tinulak mo siya palaglag sa dagat pero dahil may naglalakihang bato sa baba ay do'n muna siya tumama bago l*sog-l*sog ang katawan na tuluyang nahulog sa tubig. Alam mo ba kung gaanong kasakit 'iyon?! Na ang girlfriend ko ay n*matay sa brutal na paraan."

"I-I... didn't d-do that..."

"Lier!"

Muli ako nitong pinaulanan ng sipa at suntok. Nalasahan ko nalang ang sariling dugo sa putok na labi at dumudugong ilong. Nag uumpisa narin na lumabo ang paningin ko.

"Si I-Ilheezsa?... W-Where is she?..."nanghihinang gumapang ako papalapit sa kaniya. At nang maabot ko ang mga binti nito ay mahigpit ko iyong niyakap at nagmakaawa pero isang tadyak sa mukha lang ang matanggap ko.

Kahit nanlalabo ang paningin ay kita ko kung paanong nahulog ang mga luha niya. Para bang nakita ko ang itsura nito no'n habang umiiyak sa lamay ni Thacia. Sinubukan nila noon akong ipakulong, maging mga magulang ni Thacia na hindi naman talaga niya ina at ama ay tumulong upang mabilanggo ako pero nadipensahan ako ni Daddy.


Wala na kahit anong ibedensya at kahit pa may mga witness ay nagawan ni Daddy ng paraan at nasara ang kaso. Wala akong kasalanan at kung maibabalik ko man ang oras na 'yon ay babaguhin ko. Hindi karapat dapat na m*matay ang isang mabuting kaibigan, lalo pa't si Thacia iyon.

Gusto ko man ilabas ang lahat ng ibedensyang mayroon ako kung bakit naisipan ni Thacia na k*tilin ang sariling buhay ay ginawa ko na. Pero may parte sa'kin na nagsasabing si Justine ang kailangan na gumawa no'n. Na kailangan na kasama ko si siya habang lumalaban sa hustisya para kay Thacia.

"Sobra akong galit, Ul! Galit na galit ako sa'yo! Pero putang*na! Natagalan ako para balikan ka at p*tayin. Natagalan akong bumalik at bawian ka ng buhay. Ilang taon ang lumipas pero... Pero hindi ko magawa! Dahil kahit anong sabi ko na ikaw ang p*matay kay Thacia! Kaibigan parin kita! Na tang*na lang, dahil ikaw parin ang Ul na kaibigan ko."

Napaluhod ito habang ako naman ay nagulat sa sinabi nito. Hilam ng luha habang sinusuntok ang sariling dibdib. Nanghihina ako pero ramdam ko ang sobrang sakit na nararamdaman niya.

"Sinubukan kong mag move on. Gusto ko nalang kalimutan. Pero gabi-gabi akong dinadalaw ni Thacia. She's asking for help. She needs help but even me! Kahit ako... Hindi siya natulungan. And then, one day, her father knocked on my door. Gusto ka niyang pagbayarin sa ginawa mo kay Thacia. At ako naman na galit sa'yo ay agad na pumayag."nakaluhod parin na mahina itong tumawa.

"I agreed... But your dad is really good at depending you. After that, Tito Deniel talked to me. Sinabi niyang may dapat akong malaman pero naging sarado ako. Inuna ko ang nag uumapaw na galit pero ngayon? Ang galit na nandito,"itinuro nito ang sariling dibdib. "...mabilis na nawawala kapag naaalala ko ang mga pinagsamahan natin noon."pinunasan nito ang sariling luha bago tumayo at alalayan akong tumayo.

"At ngayon, hahayaan kitang magpaliwanag. Mula kay Thacia hanggang kay Ilheezsa."

"B-Bakit kasama s-si Ilheezsa?..."

"Kung pa'nong buntis ngayon ang kapatid ko at bakit tatlo."

Gusto mang manlaki ng mata ko ay hindi na nangyari dahil sa maga. Pero halos nangarera sa bilis ang tibok ng puso ko. Bago pa man kami maka-pasok sa kabahayan ay bumukas na ang pinto at ang nag aalalang mukha ni Ilheezsa ang sumalubong sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang masigurong ayos lang ito.


"Justine! Sabi ko na 'wag mo siyang sasaktan!"

"Call me kuya, you brat!"

"Kuya mo mukha mo!"pinandilatan niya pa si Justine bago ako balingan."Kaya mo pa? Tara, gagamutin ko muna ang mga sugat mo... Oh gosh! Pag may nangyari talaga sa kaniya ay may kalalagyan ka!"

Gusto kong matawa pero nananakit ng sobra ang katawan ko. Saglit na bugbog lang ang nangyari pero agad na nawala ang lahat ng lakas ko. Marahil dahil na din sa hindi ko pagkain ng maayos nitong mga nakaraan.

Bumulagta ako sa sahig nang patulak na bitawan ako ni Justine.

"Justine! Ano ba?!"

"Kuya! Call me kuya! Wala kang galang!"

"Justine! Justine! Justiiiiine!"

Dahil siguro sa pagod,puyat,kakulangan sa pagkain at bugbog na natanggap ko kanina ay bumigat ang mata ko.

---

What will happen next?

~❤

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now