~35 Thacia

2.4K 108 9
                                    

***Thacia***

                "WELCOME TO Ventura Island! Let's have fun!"mabilis na tumakbo si Thacia pababa ng speed boat.

Nandito sila ngayon sa islang pag aari ng pamilya ni Thacia. Nagdesisyon silang magbakasyon na magkakaibigan. Ito na din kasi ang way nila para gumaan ang loob at para na din makapag-bonding silang tatlo.

"Love! Careful!"humabol naman si Justine. Ang kasintaha nito.

Natatawang umiling nalang si Ul. Matagal ng magkarelasyon ang dalawa at saksi siya ro'n. Alam ng mga ito ang tinatago niya at nagpapasalamat siyang mapagkakatiwalaan niya ang mga ito.

Nang makarating sa sarili nilang unit ay inayos muna nila ang lahat ng kanilang gamit bago nag ayos upang i-enjoy ang dagat.

"Buti nalang ay pinayagan ako ni Mommy. Kontra pa nga si kuya eh but Mommy is on my side. Pumayag siyang dumito tayo ng three days."masayang ani Thacia.

"Eh yung Daddy mo? Is he mad at me?"Nakita ni Ul kung paanong saglit na nawala ang ngiti ng dalaga pero bumalik din.

"I don't know... Wala naman siya do'n eh."

"Gano'n ba?"

Hindi gusto ng Daddy ni Thacia si Justine. Kung bakit? Walang nakakaalam. Hindi talaga maganda ang pag uugali ng ama ni Thacia. Nakita na niya iyon nang isang beses na dinalaw niya si Thacia dahil may sakit ito.

Unang bungad palang sa kaniya ng ama ng dalaga ay nagalit na ito. Ang akala nito ay boyfriend siya ni Thacia. Agad naman niya na pinaliwanag iyon pero hindi naniwala ang ginoo. Natigil lamang ang ama nang dumating ang ina ni kaibigan para pakalmahin ang asawa. Ang sumunod naman ay no'ng panahon na pinaalam na ni Thacia ang relasyon nila ni Justine. Sobrang nagalit ang ama nito at kung ano-anong masasamang salita ang pinukol nito dito. Kesyo malandi at kaladkaring babae.


Muntik pa nga na magpang-abot si Justine at ang ama ni Thacia dahil sa ginawa ng kaibigan. Sinagot niya ang matanda dahil hindi nagustuhan ni Justine ang narinig sa amahin ng dalaga. Pumagitna nalang si Ul at hinila si Justine papaalis sa bahay. Hindi na nasundan pa ang pagpunta nilang iyon do'n at tanging ina lamang ni Thacia at ang kapatid nito ang nakikita.


"Get a room, love birds."natatawang tinulak ni Ul si Justine nang makitang naghahalikan ang dalawa.

"Get a Boyfriend na din kasi, Ul."

"I'm busy and I have no time for that."

Pareho muling natawa ang dalawa. Naglakad lang ang mga ito patungo sa isang kwarto. Katabi ng sa kaniya. Pumasok na rin siya sa kabilang kwarto at inubos ang oras sa pagbabasa ng magazines. Wala siyang dinala na kahit akong gadget bukod sa camera. Ang bilin kasi ng ina ay i-enjoy ang bakasyon at 'wag puro trabaho.

Soft Beast ( COMPLETE )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin