~42 Yio's house

2.5K 99 4
                                    

***Yio's house***

                   HINDI KO alam kung nasaang lugar kami dinala ni Yio. Tahimik kasi ang lahat at walang kahit na sino ang nagtangkang bumasag no'n. Hanggang makababa kami ng kotse ay inaalalayan parin ako ni Mama at lalo na si Zhaac. Nasa harap kami ng isang mataas na bahay. Maganda ito pero tahimik at para bang walang tao. Otomatikong bumukas ang mataas na gate kaya nakapasok kaagad ang kotseng sinasakyan namin.


Nanghihina parin ang tuhod ko pero hindi na katulad ng kanina. Talagang nanginginig talaga kasi kanina habang nangyayari ang palitan ng bala. Labis na takot din ang naramdaman ko at mabuti nalang ay walang nangyari sa'min. Walang kahit na sinong nasaktan.

"Dito muna kayo pansamantala. Hindi ligtas sa lugar mo. Ipag uutos ko nalang sa mga tauhan ko na linisin ang bahay mo pero hindi muna kayo babalik do'n. Tatawagan ko ang ama mo para sabihin ang nangyari. I know Tito, he can protect your Mommy and sister so don't worry about them. Ang alalahanin mo lang ngayon ay ang mag-ina mo. Kahit pa sabihin mong kaya mong protektahan ang sarili mo ay hindi parin pwede na umalis alis ka ng mag-isa."mahabang litanya ni Alhexe.

"Yeah... Thank you, by the way. To all of you..."

Iyon lang ang nasabi ni Zhaac. Pumasok naman ang iba pa na nagtatawanan. Para bang hindi sumabak sa kapahamakan. Nagkukulitan ang mga ito bukod sa kambal.

"G*go ka ba? Mas marami akong natamaan."

"Mas marami sa'kin. Tatlong van napatumba ko."

"Sa'kin dalawa lang pero parehong sumabog."

"Tang*na niyo, para lang kayong naglaro ah. Pero mas marami talaga sa'kin."

Hindi ko alam kung matatawa o matatakot ako sa mga ito. Para kasing normal lang sa kanila na kumitil ng buhay. O sadyang ginawa lang talaga nila 'yon dahil kung hindi ay kami ang malalagay sa kapahamakan. Naramdaman ko naman na kumalas ng hawak sa'kin si Mama kaya nilingon ko ito. Puno ng paninisi sa sarili ang emosyon sa mata nito.


"Sorry, anak... Kasalanan ko kung bakit nadamay pa kayo..."

"Mama... Wala kayong kasalanan. Huwag niyo nang isipin 'yon. Ang mahalaga ay ligtas tayo, okay? Matatapos din po itong lahat."saglit ko itong niyakap upang iparamdam sa kaniya na hindi niya kasalanan.

Hindi naman talaga nila kasalanan. Ang mga taong iyon ang mga may sala at gusto lang silang patakahimikin. Sa nakita ko kanina ay siguradong halang ang bituka ng mga tao sa likod ng nangyari at mangyayari pa.

"Pero dapat nagpaiwan nalang kami. Pati ang mga kaibigan ng nobyo mo ay nasali sa kaguluhan."

"Don't mind us, Tita. We can protect ourselves. Gusto rin namin kayong tulungan."it was the one they called Kheileb.

"Yeah, I agree."one of the twin.

"Thanks Buds pero kaya ko na. Maraming salamat sa inyo. Nakaabala pa ako. Siguradong may importante pa kayong gagawin kaya pwede na kayong umuwi. For now, dito muna kami. Bukas din ay aayusin ko ang lahat  at sisiguraduhin kong magbabayad sila."

"You sure, Dude?"

"Oo. Salamat talaga."

"Tawagan mo nalang kami kapag may kailangan ka. Ow, kami nalang pala tatawag sa'yo. Maybe, every hour kaming tatawag."

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now