~10 BAKLAAAA!!

4.3K 171 8
                                    

Dedicated to: ernelyn!!

***BAKLAAAA!!***

           NAKAKAINIS SIYA! Nakakainis! Nakakainis! Ang baklang 'yon! Utang ko pala ang pinangbayad niya sa bills ni lola sa ospital?! And now what? He wants me to be his P.A!

Nag uumapaw na ang inis ko sa kaniya at kapag hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka mam*rder ko siya! Wala sana akong balak na pumayag na maging personal assistant niya pero binantaan ako nitong sasabihin niya kay lola na hindi ako naging magandang impleyado at ang nangyari sa pagitan namin no'ng gabing 'yon!

Punong puno na 'ko pero wala akong magawa! Naiiyak ako sa inis. Ang sama niya! Wala naman akong ginagawa.

Tinatahak ko ang daan papunta sa bahay nito at ngayon nga ay papasok ako sa isang village. Alam ko ang village na 'to at masasabi kong lahat ng nakatira rito ay mga mayayamang negosyante. Inside and out of the country.

Pinigilan ako ng guard dahil hindi daw pwede ang outsider hanggang walang pasabi ang isa sa mga nakatira roon na may bisita ang mga ito.

Aalis na sana ako para humanap nalang talaga ng ibang trabaho tsaka ko siya babayaran nang may bumusina sa direksyon ko. May isang Mercedes Benz ang huminto sa harap ko.

"Good evening Sir En-Yu."

"Good evening manong. Ah, oo nga pala. I know her at nandito ako para sunduin siya."

"Ah, gano'n po ba. Sige po Sir." humarap sa'kin ang matanda. "Pasensya na ma'am."

"Hop in."

Walang salita na pumasok nalang ako sa back seat dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin papansinin ang isang 'to. Malaking issue ang pagtatangka niyang paghalik sa'kin.

"So... Agree ka sa gusto niya?"

"Do I have a choice?!"

Nasa labas ang aking tingin dahil pakiramdam ko ay masasakal ko siya ano mang oras na madako ang paningin ko rito.

"Are you mad at me?"he asked. Tinignan ko naman siya.

"What do you think? Sinubukan mo akong halikan at nakita tayo ng magaling na baklang 'yon at ngayon ay tingin ko ay pinahihirapan niya ko!"

Isa-isa at maririin kong sinabi ang bawat kataga. Lalo lang akong nabibwisit sa kaniya.

"About that, I'm sorry..."

"Sorry mo mukha mo! Bwisit."

Naging tahimik muli hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang malaking mansion.


Sa napakalaking nakabukas na gate ay nakatayo ang pinakabwisit na bakla na nakilala ko. Feeling ko, nag uumpisa na kong bumuo ng galit. Hindi na ko natutuwa sa kaniya.

Nang makababa ay pigil ang galit na linapitan ko ito. Kalma...

"You're here na."

"Of course! Sa mga oras na ito, dapat ay naghahanap na ako ng trabaho! Pero dahil bwisit ka, binablock mail mo 'ko! I already send my resignation letter at ano? Gusto mo kong maging P.A mo? Sabihin mo nga sa'kin, nagseselos ka ba dahil muntik na akong halikan ng boyfriend mo? Dahil kung 'yon ang dahilan, tang*na mo!"pinilit kong kumalma pero hindi ko napigilan.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon