~20 Inom pa!

3.4K 149 6
                                    

***Inom pa!***

                  "I WANT TO kiss his *ss and of course. I wanna suck his... his... Ahm, what do you called that thing between their legs?"

Malakas akong natawa"Meron ka no'n."

"What?! No! I am a grown woman!"

"Ayaw mo maniwala? Tingnan mo at nang makita ng sarili mong mga mata."

"Ang alin."

"You're d*ck, stupid."

"Oh, my, gosh! You're so blunt! Oh gosh, my virgin ears!"

"See it yourself."

Nagbaba ito ng tingin sa sarili bago ako sinunod.

"OH MY GOSH! W-What is this?! How did I had this?! Tanggalin mo 'to! AHH!"

Muntik akong mahulog sa kama sa katatawa. Kinukuhanan ko si Zhaac ng video habang kung ano anong sinasabi nito tsaka ko ipapakita bukas. Kanina pa siya ganiyan, simula nang dumating siya. Ang buong akala ko ay mahihirapan akong alalayan ito papunta sa kwarto niya pero laking gulat ko ng gumapang ito papaakyat ng hagdan.


Naka-sunod lang ako sa kaniya hanggang marating ang kaniyang destinasyon. Pagapang rin itong nagtungo sa kwarto niya na halos ikabaliw ko na sa katatawa.Ang buong akala ko ay matutulog na ito pero hindi. Nang magmulat siya ay ito na nga ang nangyari. Panay ang pilit nito na babae siya at kung ano raw ang nangyari sa bar na pinuntahan niya.


May nakita daw siyang lalakeng type niya at mula sa malayo niyang pinagpantasyahan. Ang nakakabaliw pa ay kung pa'no nito i-kwento ang nasa isip niya no'ng mga oras na 'yon. Idagdag pa ang hindi niya matanggap na lalake siya. He's a woman nga daw. Ang muntik kong ikahulog ng kama ay ang reaksyon niya no'ng nakita ang sariling pagkalalake.


Pilit nitong pinatitinis ang tili na hindi nagwagi. Natural na malaki ang boses niya at hindi niya kayang mag beki talk. Ang tangi niya lang naipakita ay kung paano gumalaw.

"Should I cut it off?!"

"Hala! G*go!"nagmamadali ko itong hinabol nang tumakbo siya papalabas.

Bababa ito ng hagdan pero bago pa man makaabot do'n ay nadapa siya. Mabuti nalang ay hindi ito umabot sa hagdag, kung hindi ay hulog siya.

Tinapos ko muna ang naipong tawa bago ito nilapitan. Hindi na ito gumagalaw, marahil naka-tulog na. Hindi naman naging masama ang bagsak niya, sapat lang para mahilo at ma-knock out.

Ito, totoo na. Hindi ko na alam kung paano siyang dadalhin sa kwarto niya. Sa laking tao nito ay t'yak na mahihirapan ako. Napagdesisyunan ko na kumuha nalang ng dalawang makapal na kumot at unan. Ang isa ay inilatag ko tsaka ko siya pinagulong, inunanan at kinumutan. Hindi ko siya pwedeng iwan dito kaya tumabi nalang ako sa kaniya ng higa. Hindi pa naman ako nagugutom.


Isinave ko muna ang mga video bago matulog. Nakatalikod ako sa gawi niya dahil hindi ko gusto ang amoy ng alak galing dito. Pero sana bukas nasa tabi ko parin siya. Baka kasi nahulog na ito ng hagdan ng hindi ko nalalaman.


***

                  NAGISING AKO mula sa magagaang halik sa batok ko. Alam kong siya iyon dahil hindi na bago na ginagawa niya 'yon sa'kin. Himala lang na mas nauna siyang nagising kaysa sa akin. Ininat ko ang aking mga braso para ipaalam rito na gising na ako. Nang nagdilat ay wala na kami sa malapit sa hagdan, nasa kwarto na niya kami.


Binuhat niya 'ko?

"Good morning..."bati nito.

Sasagot palang sana ako mang kumulo ang t'yan ko. Hindi kami kumain kagabi at kasalanan niya 'yon.

"You're hungry."mahina pero natatawa nitong sabi. Hindi ko alam kung ako lang pero ang sexy ng dating ng boses niya para sa'kin.

"Hindi na 'ko nakakain kagabi. Pasaway ka kasi."

Mabilis na napaupo ito at gulat na tumingin sa'kin.

"What did I do?"

I evilly grinned. Nagmamadaling kinuha ko ang aking cellphone para ipakita ang lahat ng nangyari kagabi. Wala pa man ay natatawa na ako.

***

                  HANGGANG NGAYON ay hindi ko parin matigil ang pagtawa. Kahit ilang beses ko na mapanood 'yon ay hindi ako magsasawang pagtawanan ang video na 'yon. Kasalukuyan itong naka-subsob sa pagitan ng balikat at pisngi ko dahil sa kahihiyan. Pulang pula ang buong mukha at parte ng leeg nito. Hindi na nga niya tinapos pa ang video pero malapit naman na siya sa dulo.


"Did I really do that? Walang edit?"

"Ayaw mo maniwala?"

"Yeah?"

"Mag inom ka ulit tapos kuhanan kita ulit ng video para malaman mo kung legit talaga."

Hindi ito sumagot. Lalo lang humigpit ang yakap niya sa baywang ko. Hinahayaan ko nalang. Syempre, nakakahiya ang nangyari. Kung pwede ko lang na i-upload ay kagabi ko pa ginawa pero baka sabunutan ako nito. Ayoko naman na mangyari 'yon.

Ilang minuto pa kami sa gano'ng posisyon nang siya na ang bumitaw at walang pasabi na lumabas ng kwarto. Pero hindi ko inaasahan na ang pakikitungo nito ay magiging katulad ng kahapon. Muli na naman itong hindi nagsalita at ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya magawa.


Ano na naman ang problema nito?

Mabilis nga na sumapit ang gabi pero iniwan lang ako nito mag isa sa hapag matapos kumain. Naiinis na ako sa ginagawa nito. Daig ko pa ang may nakakahawang sakit kung makaiwas siya. Sa hindi malamang dahilan, hindi na ako natutuwa sa ikinikilos niya. Parang gano'n nalang kadali dito ang gawin ang bagay na 'iyon.


Kaya napag isipan ko na komprontahin ito matapos mag ligpit ng kinainan. Mabilis na nag tungo ako sa kwarto niya na naman naka-lock at naabutan itong naka-higa sa kama. Ang buong akala ko ay tulog na ito pero bigla siyang nagsalita.


"What do you need?"

"Iniiwasan mo ba ako?"

Napa-balikwas ito ng bangon.

"What? N-No! Why would I do that?"

"Anong no ka d'yan?! Kaninang umaga lang ay daig mo pa ang linta kung maka-kapit, tapos ngayon ni tignan ako ay hindi mo magawa! Kung makaiwas ka pa, parang may nakahahawa akong sakit."

Nangingilid ang luhang lumabas ako ng kwarto nito.

"Ilheezsa!"

Bahala ka sa buhay mo!

———

~❤

Soft Beast ( COMPLETE )Место, где живут истории. Откройте их для себя