~45 Daddy

2.6K 114 10
                                    

***Daddy***

                    TAHIMIK NA nagdarasal si Zhaac. Kanina pa siya naghihintay sa labas ng kwarto kung nasaan ang mag-iina niya. Natatakot siya para rito dahil hindi normal ang panganganak nito. Nang malaman na CS nito ilalabas ang bata ay kinain ng matinding takot ang puso niya. Wala ni kahit anong salita ang nanggaling sa kaniya nang mga oras na 'yon. Pilit pa na pinagagaan ni Ilheezsa ang kaniyang loob pero alam niyang mas natatakot ito.


At ngayon naman ay hindi niya inaasahan na ngayon mismo itong manganganak. Galing siya ng manila upang tignan ang company na maayos parin naman na tumatakbo kahit pa wala siya. Tinutulungan din siya ng mga kaibigan sa paghawak niyon ngayon. Idagdag pa ang gulong hindi parin nila natatapos. Sabi ni Justine ay darating ang mag asawang Ventura noong nakaraang dalawang buwan pero hindi iyon natuloy.


Naka-tunog siguro ang mga ito kaya hindi na itinuloy ang plano. Sinabi sa kaniya ni Justine na gusto siyang tapusin ng mga ito at napag alaman din nila na ang humahabol sa pamilya ni Ilheezsa at ang pekeng magulang ni Thacia ay iisa. Nasaksihan ng magulang noon ni Ilheezsa kung paanong pinatay ng mga ito ang totoong pamilya ni Thacia. Handa silang magtulong-tulong upang panagutin ang mga ito.


Naka-upo siya sa sahig at nakasandal sa pinto kung nasaan ang kasintahan nang may tumapik sa kaniyang balikat. Si Justine iyon na naupo rin sa kaniyang tabi.

"Magiging maayos lang ang mag-iina mo."

"I know... Pero natatakot parin ako."mahinang ani'ya.

"Alam mo bang buong akala ko ay p*tay na siya?"pagbubukas ni Justine ng usapan. Sila lang ang nando'n dahil ang iba ay nasa salas lang, naghihintay ng balita. "Iyon ang sinabi sa'kin ni Mama dahil alam niyang kapag nalaman kong buhay si Ilheezsa ay dadalawin ko ito."

Tahimik naman na nakinig si Zhaac. Aaminin niya, medyo napapakalma siya ng presensya nito.

"Hanggang sa dumating nga ang araw na umiral ang kagaguhan ko. Kinuha ko siya sa'yo at nagkaalaman no'ng nagkita sila ni Mama. Nagkaroon ng kaunting pagtatalo pero mabuti naging bukas si Ilheezsa. Hindi katulad ko na sarado noon. Noong gusto pa kitang magdusa. Na halos muntik nang mapahamak ang kapatid ko dahil sa kagagawan ko. Pero ang gusto ko talagang sabihin sa'yo ay... Matapang ang kapatid ko. Walang mangyayaring masama sa kanila. "

Hindi sumagot si Zhaac. Kahit maikli ay kahit papa'no ay nabawasan ang pangamba niya. Hindi niya na noon makita sa isip na pwedeng maging ganito ulit sila ni Justine.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Si Weince iyon na naka-fully doctors suite parin. Tinanggal nito ang mask at nakita niya pa ang namumuong mga pawis sa ilong nito pababa. Bago pa man siya makapagtanong ay naunahan na siya nito.


"They are fine. Inaayos nalang ni Lhou-Lhou ang tahi ni Ilheezsa. And the babies is all fine and healthy. Two boys and one girl. Congrats man."tila ba pagod na wika nito bago siya tinalikuran.

Susubukan na niya sanang pumasok nang si Weinmar naman ang lumabas.

"Bawal ka muna sa loob, maghintay ka muna hanggang matapos at payagan ka nang pumasok ni Lhou-Lhou. By the way, Congrats."iyon lang din at iniwan din siya ng kaibigan.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon