~5 What a Bitch?!

4.6K 185 4
                                    


***What a B*tch?***

          DALAWANG ARAW. Dalawang araw simula ang huli naming pagkikita at pag uusap ni boss. Hindi na kasi ito pumasok since that day.

Labis ko naman 'yong pinagpapasalamat. Ayoko siyang makita kahit pa napakalaki ng posibility na lagi ko siyang makita. Hindi maganda ang huli naming pag-uusap at mas lalong hindi naging maganda ang nai-dulot sa'kin no'n.

Paki-ramdam ko ay basta nalang akong sinisilaban. Umiinit ang singaw ng katawan ko sa t'wing naiisip ko siya at ang nangyari sa pagitan naming dalawa.

Hindi na 'ko natutuwa...

Gusto ko nang linisin ang utak ko dahil nabahiran niya ng dumi. Pa'no ko bang ia-alis sa isip ko 'yon?!

Nagulat nalang ako isang araw ay nasa labas na ng opisina ni boss ang mga gamit ko. Sa gilid ng pinto ay may sarili na akong cubicle. Sobra akong natuwa dahil do'n pero hindi parin ako maka-kampanti hanggang malaki ang posibilidad na makita ko siya.

Nasa malalim akong pag iisip nang makita ang isang magandang babae na walang tigil na tumatalak papalapit sa direksyon ko. Kasunod nito ay isang impleyado rin rito na nakapuwesto malapit naman sa elevator. Siya ang nagbibigay impormasyon sa'kin kung may bisita ba si Sir tapos ako naman ang magsasabi sa boss namin.

O 'di ba. Hindi nalang niya i-diretso sa boss namin.

Patuloy ako sa pagpapasakit ng ulo ko nang may kung sinong maingay ang papalapit sa gawi ko.

"Ma'am, wala po rito si Mr. Yamaz---"

"Alam kong nandito siya kaya 'wag mo 'kong pigilan, pwede ba?! Sasamain ka sa'kin!"

"Pero ma'am, bawal po kayo pumasok sa loob ng opisina niya, iyon po ang pinaka-pinagbabawal ni Sir Ul."

"I don't f*cking care! As if naman na magagalit siya sa'kin?!"

"Pero ma'am ---"

"Shut up and get the f*ck out!"

Malakas na sigaw nito. Ani'mong baliw na nakawala sa mental.

Hindi ako natutuwa sa ginagawang ingay ng heels nito. Masakit sa tenga dahil na rin sa gasgas siya mag-lakad.

Matangkad, maganda ang kurba ng katawan, maputi, makinis at puno ng pintura ang mukha.

Wutt? Pintura?

She looks like a clown dahil sa kapal ng eye shadow, mahahabang lashes na kulang nalang ay umabot sa kilay niyang makapal din, blush on at lipstick nito. Hanggang balikat ang naninilaw nitong buhok na may bangs.

Kaunti nalang, Annabelle na itsura nito.

Tumayo ako dahil akala ko'y itatanong nito kung nasaan si boss pero sa halip ay buong pwersang hinawi niya ako patabi na ikinatumba ko.

Tangina!

Masyadong malakas ang bagsak ko kaya gano'n nalang ang sakit na dulot no'n sa pwet at balakang ko. Hindi ko maiwasang mapadaing dahil nanunuot ang sakit.

Soft Beast ( COMPLETE )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن