~39 Reasons

2.4K 111 5
                                    

***Reasons***

                   PILIT NA ikinalma ni Ilheezsa ang sarili kahit pa nahihirapan. Maya maya rin siyang binabalikan ni Justine upang tignan ang lagay niya. Hindi maganda ang sobrang pag iyak at stress na nararamdaman niya ngayon. Kahit pa iwasan niya ang ma-stress ay hindi niya mapigilan. Hanggang alam niya na nandito ang ina at ang paulit-ulit nitong paghingi ng tawad ay hindi siya kakalma.


"Ilheezsa... Let me explain, ha? Pagkatapos no'n ay a-aalis na 'ko. H-Hindi na ako magpapakita pa kahit kailan kung iyon ang gusto mo. Pero sana, pakinggan mo si Mama."pagmamakaawa ng ina.

Pero nanatili siyang tahimik. Hindi niya kayang kausapin o harapin pa itong muli sa ngayon. Kailangan niyang kumalma kahit kakaunti. Pero paano niyang gagawin iyon kung sa t'wing magkaharap na sila ay mabilis na tumataas ang presyon niya.

"Umalis ako noon, oo. Iniwan kita, oo. Pero ang ipagpalit ka sa ibang pamilya ay ang bagay na kailanman ay hindi ko magagawa. Iyon ang iniisip mo dahil iyon ang ipinakausap ko kay Mama na i-kwento sa'yo. Para hindi mo ako hanapin kung maisipan mo man."

Hindi parin siya sumagot. Mariin niya lang na ipinikit ang mata para pigilan ang sarili na sumigaw at muling umiyak.

"D-Dahil... delikado... Ipinagbubuntis palang kita no'n kaya hindi nila alam na may isa pa akong anak. Kaya naisipan kong iwan ka kay Mama. Iniwan ka namin do'n ng Papa mo kahit pa gustong gusto kitang makasama at alagaan. At oo nga pala, wala kaming sari-sariling pamilya. Kami parin ng Papa mo hanggang sa mawala siya."

Doon natigilan si Ilheezsa. Parang may libo-libong karayom ang tumusok sa kaniyang puso nang maintindihan ang sinabi ng ina. Muli na namuo ang luha sa kaniyang mata at pinilit ang sariling tumayo upang buksan ang pinto.

Sa likod no'n ang kaniyang ina na nakaluhod sa harap ng pinto. Magkadikit ang dalawang palad nito habang walang patid na maglalaglagan ang luha.

"A-Anong ibig niyong sabihin?..."tanong niya rito.

"I-Ilheezsa..."tumayo ito upang yakapin sana siya pero umatras lang siya.

"Answer me. Nasaan si Papa?"

"H-He... He's dead. They k*ll him."

"Who?"

"Hindi mo na kailangan malaman, anak. Mabuti na kami nalang---"

"Sabihin niyo na, kung hindi ay hindi ko na kayo mapapatawad hanggang nabubuhay ako."

"Pero..."

"Madali akong kausap—"

"N-Na... Nakasaksi ako ng isang krimen... They saw me. A-At hinabol nila ako. Hindi ko alam na nasa likod ko lang pala ang Papa mo no'ng gabing iyon. Kaya pareho kaming nakita. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa hindi na nila kami nahabol. Pero nang umuwi kami ng bahay ay bukas na ang pinto a-at magulo ang lahat ng gamit."

Tumingin sa malayo ang ina at tila ba sinariwa ang nangyari sa nakaraan.

"Ang buong akala ko ay may nangyari na sa kuya mo kaya laking pasalamat ko nang makita siyang nagtatago sa ginagawa niyang tambayan sa kisame. Kaya mabilis kaming kumilos para umalis. Hindi na kami nagdala ng kahit anong gamit bukod sa wallet at cards. Nagtago kami ng nagtago. Hindi din ako umuwi kay Mama dahil hindi maganda ang relasyon namin no'n pero siya nalang ang pwede kong pag iwanan sa'yo."

"Nalaman kong buntis ako sa'yo nang dalawang buwan kaming palipat lipat ng tirahan. Kaya nang ipanganak kita ay agad kitang iniwan kay Mama. Natagpuan nila kami pero mabuti nalang ay muli kaming nakatakas. Humingi kami ng tulong sa pulisya pero nakita namin ang kriminal na iyon na nasa presinto kaya inisip namin na hindi na safe kung hihingi kami sa kanila ng tulong."

"Kaya sa isang malapit at mapagkakatiwalaang kaibigan kami lumapit pero bago pa man kami umabot sa korte ay hinarang na kami ng tao nila. Sa pangatlong pagkakataon ay muntik kami ulit na mahuli. Kaya naisipan nalang namin na lumayo at tumira sa malayong lugar. Kuya mo ang iniisip namin noon. Hinintay namin na lumaki siya at makaya na niya ang sarili niya kung sakali mang mawala kami. Alam din naman namin na ligtas ka sa lola mo kaya nag-focus nalang ako sa kuya mo. Hanggang sa naisipan namin bumalik sa manila limang taon na ang lumipas pero gano'n nalang ang gulat namin nang sila parin ang sasalubung sa'min. Maswerte kaming nakaligtas ng kuya mo pero ang Papa mo... Nab*ril siya sa ulo."

Natakpan niya ang bibig nang marinig ang sinabi ng ina. Hindi niya makapaniwalang gano'n ang sinapit ng ama.

"Ni hindi man lang kami nakapag paalam sa isa't isa at dilat ang matang bumagsak siya sa sahig. Masakit na tanggapin ang gano'ng sinapit niya at nasaksihan pa namin ng kuya mo. Nang makatas kaming muli ay dumiretso na ako kay Niel. Ang kaibigan namin ng Ama mo. Sinabi niya na maghintay lang kami dahil siya na ang bahalang humanap ng ibedensya pero matatagalan. Sila ang dahilan kung bakit nananatili kaming buhay hanggang ngayon. Kahit pa may kinakaharap na problema si Justine. Bukod sa nalaman kong namatay ang girlfriend niya ay wala na itong iba pang sinabi. Tinulungan siyang makapagtrabaho sa ibang bansa at para na din malibang nito ang sarili."

"Pero ngayon ay may binabalak siyang hindi ko alam. Ang tangi niya lang na sinasabi ay kaya niya ang sarili at wala siyang kahit na sinong masasaktan. Kaya nagpatuloy kami sa pagtatago hanggang sa tawagan nalang ako ni Niel. Kaunting panahon nalang daw at magiging maayos na ulit ang lahat. Makakasama ka namin at magagawa ko na ang lahat ng pagkukulang ko kahit pa huli na 'ko."

Hilam ng luhang niyakap siya ng ina na hindi naman niya pigilan. Para bang gano'n nalang kabilis na natunaw ang galit niya para sa mga ito. Sa katunayan nga ay nagalit pa siya sa sarili dahil kung magsalita siya sa mga ito ay para bang siya ang tama. Kahit pa wala siyang alam sa mga pinagdaanan ng mga ito.

Na nagsa-suffer na pala ang pamilya niya sa loob ng maraming taon habang siya naman ay iniipon ang galit niya para sa mga ito na hindi naman dapat. Pinu-protektahan lang pala siya ng ama, ina at kapatid.

Nalulungkot din siya sa grabeng sinapit ng ama sa mga taong iyon. Buong buhay siyang nagagalit sa mga magulang dahil sa kagagawan ng mga taong iyon. Ni hindi niya man lang naranasan na maka-usap o makilala ang ama na inakala niyang isa sa mga umabanduna sa kaniya.

Tinugon niya ang yakap ng ina at pareho nilang inilabas ang luha. Patuloy itong humihingi ng tawad habang siya ay parang bata na umiiyak sa balikat nito. Napilitan siyang kumalas dito nang maka-ramdam ng hilo. Maingat na tumungo siya sa kama at pinakalma muli ang sarili.


"Anak... Ayos ka lang?..."nag aalalang tanong ng ina nang makitang sinapo niya ang sariling noo.

"Opo... Dala lang po siguro ng pag-iyak at pagbubuntis."

"Buntis ka?!"

"Opo..."

Humihikbi paring sagot niya. Nakita niya naman ang gulat sa mata nito bago muling naiyak.

"Magiging lola na pala ako..."

———

~❤

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now