~21 Positive

3.6K 161 9
                                    

***Positive***

                   MADALING ARAW na pero dilat parin ako. Nagugutom ako and I want something to eat kahit pa katatapos lang namin mag gabihan. Kanina pa may kung anong lasa ang hinahanap ang aking dila. Naiiyak na nga lang ako kakaisip dahil hindi ko talaga alam kung ano 'yon. Kung ano ang gusto ko. Kung anong pagkain 'yon? Saan ko makukuha?


Binalot ko ang sarili ng kumot upang mas makapag concentrate. Pero sa huli ay nainitan lang ako dagdag pang wala akong naisip. Todo na ang aircon pero pakiramdam ko ay hindi pa din sapat.

Sumasabay pa sa problema ko!

Bumangon ako upang magtungo ng kusina. Tinignan ko muna ang kaliwa't kanan at nang walang makitang bakas niya ay maingat akong bumaba. Nang hinabol kasi ako nito kanina ay hindi ko na siya kinausap. Ni-lock ko ang pinto para hindi ito maka-pasok at para na rin hindi ko makita ang pagmumukha niya.


Nang makarating sa kusina ay binuksan ko muna ang ilaw bago dumiretso sa fridge. Iba't ibang prutas ang nakita ko pero ayoko no'n. May gusto akong matikman pero hindi ko talaga alam kung ano. Hinalughog ko na ang buong fridge pero wala talaga. Sinunod ko ang isa pang ref sa tabi nito at bumungad sa'kin ang iba't ibang uri ng alak. Sandali akong natigilan do'n at pinakatitigan ang mga bagay na nasa loob.


Naglaway ako sa hindi malamang dahilan. Tila ba nakita ko na ang kanina ko pang hinahanap. Nanginginig ang kamay na kumuha ako ng isa at idinikit sa aking pisngi bago amoy amoyin.

Ito nga! Beer!

Pero hindi ako lasinggera. Masama sa katawan ang alak. Binilin din sa'kin ni lola na hindi ako pwedeng malango sa bagay na 'to.

Pero gusto ko nito...

Hindi ko alam kung ga'no ako katagal na nasa harap ng bukas na ref. Kinakausap ko na ang sarili ko. Should I drink this or not. Paulit ulit hanggang sa nauwi ako sa pag iyak. Bawal 'to sa'kin pero gusto ko. Titikman ko lang naman tapos ibabalik ko na. Pero may parte sa isip ko na gusto kong ubusin.


Sumisinghot na binuksan ko ang takip no'n pero bago pa man akong naka-inom ay may umagaw na nito kasabay ng pagsara ng refrigerator.

"Iinom ka?"

"Akin na 'yan!"

"No! Answer me first."

"Ano sa tingin mo?! Ipanliligo ko 'yan?! Malamang iinumin ko!"

"At bakit ka iinom?"

"Bakit ba?!"

Pilit na tinatalon ko ang hawak niyang can beer. Itinaas nito iyon upang hindi ko maabot. Masyado siyang malaki para makuha ko 'yon.

"No. Hindi pwede."

"Akin na sabe!"

"Bakit ka ba ganiyan?"

"Gusto ko niyan!"

Sinuntok ko ang t'yan nito pero walang ubra. Ako pa nga ang nasaktan kaya naiiyak na naupo ako sa sahig. Gusto ko talaga no'n. Bakit ayaw niyang ibigay?! Ano? Siya lang may karapatan na umiinom ng gano'n? O ayaw niya lang mamigay dahil siya ang bumili ng lahat ng 'yon?

Soft Beast ( COMPLETE )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant