~48 Bullets

2.1K 102 1
                                    

***Bullets***

                    HINDI MAGKANDA ugaga si Zhaac sa pagtimpla ng gatas ng dalawang anak na lalake. Si Ilheezsa naman ay pinapadede ang anak na babae sa kaniyang dibdib pero alam niyang natutuliro din ito.

"Shh, saglit lang... Malapit na matapos si Daddy--- Sh*t! Natapon--"

"Watch your mouth, Zhaac."suway ni Ilheezsa. Ayaw na niyang marinig ang pagmumura nito kahit pa wala pang isip ang mga anak.

"Sorry, Baby. Wait, pa'no 'to? Ilang takal? Babe—how many scoop? Shh, Iezxul, don't cry."

Gustong matawa ni Ilheezsa nang makitang natataranta na talaga si Zhaac kaya ibinaba na niya muna si Acleezsa. Mahimbing naman na itong natutulog at bumitaw na sa dibdib niya.

"Zhaac, don't panic, hm? Sa'kin na muna didede ang dalawa. Bantayan mo nalang si Acleezsa."mahinahong sabi niya dito.

Ang dalawang kamay nito na hawak ang feeding bottle kinuha niya. Naaawa siya dito. Dalawang linggo palang kasi pero puyat na ang kasintahan. Nangangalo mata na ito at halata na ang dark circles sa paligid ng mata.

"Our princess... Okay, ako muna sa prinsesa ko."tuluyang natawa si Ilheezsa dahil sa paraan ng pananalita nito.

Para kasi itong may naalala bigla at excited na tumungo sa kama kung nasaan ang tatlo. Nakita niya pa kung paanong pinindot ni Zhaac ang pisngi ng anak. Siya naman ay lumapit sa kabilang side ng kama kung nasaan ang dalawa niyang anak.

Lumapit muna sa kaniya si Zhaac upang alalayan siya na i-pwesto ang dalawa sa magkabila niyang dibdib. Si Zhaac din ang nagbukas ng polo shirt na suot niya. Iyon ang pinili niyang suotin dahil madali niyang mailalabas ang dibdib upang padidehin ang mga anak. Nang tuluyang lumantad ang dalawang dibdib ay inalalayan parin siya ni Zhaac para maisubo ng dalawa ang kaniyang nipple. Napapikit pa siya ng mariin nang muli nanamang manuot ang sakit.


Hindi biro ang sakit no'n dahil parang may sugat ang dibdib niya. Naiiyak siya sa sakit. But she had no choice. Hindi pwedeng sa bote lang ang mga ito kakain. Iyon ang pinaka ayaw niyang mangyari.

"Masakit?..."tanong ng nobyo. Kahit nakapikit ay tumango siya bilang sagot.

Pinipigilan niya kasing mapaiyak sa sakit.

"I'm sorry..."mabilis na napadilat si Ilheezsa nang marinig iyon.

"Bakit ka nagsu-sorry?"

"Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko..."

"Natural lang 'to so don't feel sorry."

"I love you..."

Parang may muling humaplos sa kaniyang puso nang sabihin ng lalake ang tatlong katagang iyon.

"I love you too."

Hahalikan sana siya nito sa labi nang umungot naman ang anak niyang babae. Pareho nalang silang natawa bago maingat na kinalong ang sanggol. Marunong humawak ng bata si Zhaac. Nang tanungin niya ito ay may mga inaanak daw kasi siya kaya hindi na masyadong bago sa kaniya.

Ilang minuto lang naman ang tinagal at muling mahimbing na natulog ang tatlo. Pinagitnaan nila ang mga ito dahil wala silang crib. Ayaw naman niyang mapagod pa ng husto si Zhaac o makaabala ng iba kaya ganito nalang ang ginawa ni Ilheezsa. Sinabi niyang huwag nang bibili ng crib dahil gusto niyang nasa iisang kama lang sila. Pero sa tuwing gigising siya sa umaga ay tanging unan nalang ang nasa kabilang dulo kung saan nakapwesto si Zhaac. Nasa likod na kasi niya ito habang mahimbing na natutulog. Pinagkakasya ang sarili sa maliit na pwesto sa likod niya.

Soft Beast ( COMPLETE )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora